Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic, yummy pa rin para kay Dawn

“Y ummy ka pa  rin, Bossing!” biro ni Dawn Zulueta kay Vic Sotto isang araw sa syuting ng Meant to Beh, angMetro Manila Film Festival (MMFF) entry nila.

Hindi naman nagulantang ang senior citizen nang mister ni Pauleen Luna. 

Pagtatapat ni Dawn noong press conference para sa nasabing pelikula, ”Enjoy na enjoy akong katrabaho si Bossing. Kasi last time kaming nagtrabaho was for ‘Okay Ka Fairy Ko.’ Ang tagal na. Dalaga pa ako noon. Ganoon pa rin siya. 

“Actually hindi nga siya tumatanda. Sabi ko sa kanya, yummy pa rin siya. Tuwang tuwa naman siya.”

Dahil si Dawn—na happily married sa Mindanao politician na si Anton Lagdameo—ang nagsabi niyon sa kanya, siguradong hindi inisip ni Bossing na sine-seduce siya ng kausap n’ya na isang napakagandang babae. At napakadisente.

Heto pa ang isang ebidensiya na napakadisenteng tao ni Dawn: hindi pala n’ya iniisip na kompetisyon angMMFF.

Para sa kanya, malakihang pagtatanghal lang ang festival at isang malaking regalo sa moviegoers.

“Hindi ako affected ng competition. Kasi para sa akin naman, kaya nga it’s a festival, it’s for all of us to show kung ano ang naihanda natin para sa publiko,” pangangatwiran n’ya. 

“Masaya kasi lahat ng mga kasama namin, magagaling din. Mga mahal ko rin iyan, si Coco (Martin), si Vice (Ganda). Exciting din. Kasi mukhang maganda rin ang ipakikita ng kanilang pelikula. Dapat panoorin lahat,”sambit pa ni Dawn.

Aside from Meant to Beh, the other MMFF 2017 entries are Ang Panday starring Coco Martin; All Of Youstarring Jennylyn Mercado and Derek Ramsay; and Gandarrapiddo: The Revenger Squad starring Vice Ganda, Daniel Padilla and Pia Wurtzbach. 

Also part of the Magic 8 are Deadma Walking starring Joross Gamboa and Edgar Allan Guzman; Siargaostarring Jericho Rosales and Erich GonzalesHaunted Forest starring Jane Oineza; at Ang Larawan starringRachel Alejandro and Joanna Ampil.

Oo nga pala, kabibinyag lang sa anak nina Bossing at Pauleen na si Talitha Maria noong Linggo, December 10, sa St. James The Great Parish sa Muntinlupa City na ikinasal ang mag-asawa noong January 2016.

Dumalo sa binyagan ang mga anak ni Vic sa mga nakaraan n’yang karelasyon, pati ang mistulang inililihim noon na si Paulina, anak ni Bossing kay Angela Luz na isang beses lang lumabas sa pelikula. Naroon din si Vico, anak ni Bossing kay Coney Reyes.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …