Thursday , December 19 2024

JaMar Foundation, ipagpapatuloy ni Direk Maryo

NABANGGIT sa amin ni multi-awardee director Maryo J. delos Reyes sa awards night ng 2017 Philippine Empowered Men & Women na ipagpapatuloy niya ang nasimulang JaMar Foundation para sa alaala ng namayapang si Jake Tordesillas.

Gagamitin sa foundation ang naipon nila ng namayapang screenwriter at GMA Creative Consultant.

Sa aming muling pagkikita sa  Pamas­kong Handog ni  Congressman Yul Servo Nieto, naidagdag nito na gagawin nila ang isang proyekto para sa mga kabataan sa Visayas at Mindanao na mahilig sa sining.

Ang pangalang JaMar Foundation ay pinagsamang Jake at Maryo J. at aniya, nakaplano na ang proyekto bago pa namayapa ang una.

“Ang trust niyan ay igagawa ng school for arts na itatayo sa Bohol. Jake is from Iloilo and I am from Bohol, kaya we put it in the Visayas,” pahayag ng premyadong director.

Sa puntong ito, mainit na pagbati para kay Direk Maryo sa natanggap na karangalan bilang isa sa 2017 Philippine Empowered Men and Women na ginanap sa Teatrino Promade noong December 2. Aniya, ”Mas malaking responsibilidad ito dahil binigyan ka ng empowerment. I believed na kasama niyon is responsibility and kasama ng responsibility is belief in other people. At the same time, you have to share certain justice kasi mayroon kang power for decision, development and powerful for so many other things na para sa akin, ang empowerment should be decided upon with love.”

NEO DE PADUA, NAGING
MILYONARYO DAHIL
SA SUPPLEMENTARY FOOD

HINDI lahat ng nilalang ay may kakambal na suwerte. Pero sa pinagdaanan ni Neo de Padua, hindi biro ang pinagdaanan niya na naging biktima muna ng stage 3 cancer bago naging milyonaryo.

Blessing in-disguise ang nangyari sa kanya dahil dito niya nakilala ang C24/7, isang food supplement na naging malaking tulong sa iniinda niyang karamdaman.

Ito ang naging daan niya para magnegosyo at ngayon ay isa na siyang certified millionaire.

Base sa pinagdaanan niya, naging motivational speaker siya sa ibang bansa para magbigay ng testimonya sa kanyang karamdaman.

Taga-showbiz si Neo na nagsimula sa pagiging talent scout at dumaan din sa pagiging ekstra. Aniya, noong nasa Kuwait siya ay nagustuhan ng isang Kuwait show producer ang estilo niya sa pagkanta kaya tinulungan siya nito para magpursige sa pagkanta.

Katatapos lang niyang mag-record ng first single, ang Ako’y Nangarap na available sa iTunes at ito ay prodyus ni hit-maker Vehnee Saturno.  Magkakaroon siya ng concert sa Music Museum, ang Miracle, Music and Love sa December 14, produce ng Big Eyes Events and Promotions. Maliban dito, magsisimula ang kanyang talk show sa Net25 sa Enero 2018, ang RYTS Rule Yourself To Success.

STARNEWS PLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *