BINAWIAN ng buhay ang isang Grade 5 pupil sa Mariveles, Bataan, bunsod ng severe dengue noong Oktubre ng nakaraang taon, ilang buwan makaraan bakunahan ng Dengvaxia, ang unang dengue vaccine sa mundo.
Si Christine Mae de Guzman, na walang naunang history ng dengue, ay nakaranas ng matinding sakit ng ulo at lagnat noong 11 Oktubre 2016, isinugod sa Bataan General Hospital noong 14 Oktubre, ngunit binawian ng buhay noong 15 Oktubre. Tumanggap siya ng unang Dengvaxia shot noong Abril 2016.
Sa death certificate ng estudyante ng Sisiman Elementary School, siya ay binawian ng buhay bunsod ng “disseminated intravascular coagulopathy and severe dengue.”
Ang mga magulang ni De Guzman, na sina Marivic at Nelson, naniniwalang ang kondisyon ng kanilang anak ay dulot ng bakuna, ay umaasa ng katarungan, lalo na makaraang aminin ng Sanofi Pasteur, manufacturer ng Dengvaxia, na ang bakuna ay maaaring magdulot ng matinding sakit sa taong hindi pa dinadapuan ng dengue.
“Sana po magkaroon ng hustisya sa pagkamatay ng anak ko,” pahayag ni Marivic. “‘Di naman po kasi masakitin ‘yung anak ko. First time po niyang magkasakit nang ganoon tapos dire-diretso po.”
Ayon sa ulat, sina Marivic at Nelson ay pumirma sa parental consent form bago tinurukan ang kanilang anak ng anti-dengue vaccine.
NABAKUNAHAN
NG DENGVAXIA
BABALIKAN
NG DOH
SINISIMULAN na ng Department of Health ang profiling at monitoring sa mga nabigyan ng Dengvaxia, na sinasabing maaaring makasama sa mga taong hindi pa di-nadapuan ng dengue.
Kabilang sa nasabing kaso ang 9-anyos anak ng mag-asawang Lobos na binakunahan ng kontra dengue noong 18 Agosto 2017.
Ayon sa mag-asawa, malusog ang bata ng panahong iyon ngunit makalipas ang ilang oras, sumuka na ang bata.
“Mga anim na beses, sumuka siya tapos halos hindi na kami nakatulog dahil panay pahilot sa dibdib niya. Masakit ‘yung tiyan niya,” kuwento ni Yasir Lobos, ama ng bata.
Nagpatuloy umanong sumama ang pakiramdam ng bata nang ilang araw at pabalik-balik din ang lagnat kaya dinala na nila sa ospital.
Makaraan ang ilang araw, bumuti ang pakiramdam ng bata at base sa findings ay nagkaroon siya ng dengue.
“Gagawa ng history-taking that will be focused on immunization… do a mandatory reporting of all hospitalized cases of vaccinees regardless of the symptoms,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
Dagdag ng DoH, isang opsiyon ang pagbawi ng ibinayad na P3 bilyon, kapag napatunayan na may itinagong mahalagang impormasyon ang manufacturer.
Kung matatandaan, ayon sa Sanofi Pasteur, nasa grade 1 at 2 ang lag-nat, sakit ng kasukasuan, pasa, at bleeding ang severe dengue na nakita nila sa pag-aaral. Wala anila silang nakitang grade 4 o dengue shock.
Ngunit sagot ng DoH, wala silang binanggit na sintomas ng grade 4 ng severe dengue.
Dagdag ni Duque, ang mga batang inoobserbahan ng Sanofi ay nasa controlled environment ngunit paano aniya ang mga batang nasa malalayong lugar.
Samantala, inihayag ng World Health Organization (WHO), sinusuportahan nila ang DoH sa desisyong itigil muna ang pagbabakuna.
Inilinaw ng WHO, ang lumabas na position paper nila noong panahong iyon ay hindi nagsasaad ng rekomendasyon sa mga bansa na isulong ang bakuna sa kanilang national immunization programs.
Bagkus ay nagbigay sila ng mga puwedeng isaalang-alang kung isasagawa ang pagbabakuna o hindi.
Sa position paper ng WHO, nasunod ng Fi-lipinas ang mga kondis-yon ngunit nauna na ang pagbabakuna bago pa lumabas ang kanilang abiso.