Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binyag ng anak nina Vic at Pauleen, intimate lang

NABANGGIT ni Pauleen Luna sa isang showbiz writer na close sa kanya kung kailan bibinyagan ang panganay nila ni Vic Sotto, si Baby Talitha.

Pero nakiusap dito si Pauleen na huwag nang isulat, dahil sobrang intimate event lang iyon. Pamilya at close friends lang ng mag-asawa ang imbitado. At apat na pares lang ang ninong at ninang na kinuha nila, pero hindi na binanggit ni Pauleen kung sino-sino ang mga iyon.

So, intimate nga lang ang mangyayaring binyag ni Baby T.

JOSHLIA, MALAKING
TULONG SA PAGKITA
NG UNEXPECTEDLY YOURS

ANG pelikulang Unexpectedly Yours mula sa Star Cinema, na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla ay kumita na ng P100-M as of December 4.

So, ibig sabihin nito, buhay pa rin ang mga tagahanga nina Robin at Sharon. Na nasabik sila na muling mapanood ang dalawa sa isang pelikula, kaya pinanood nila ang Unexpectedly Yours.

Pero malaking tulong din sa tagumpay ng pelikula na kasama roon ang loveteam nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Malaki na kasi ang fan base nila na nanood. At isa pang dahilan kung bakit naging blockbuster ang Unexpectedly Yours, dahil sa magandang pagkakagawa ng direktor nitong si Direk Cathy Garcia Molina.

‘Yung mga nakapanood ng pelikula, ay naikuwento na maganda ito, na naging curious ang iba para panoorin din.

Sa lahat ng bumubuo ng Unexpectedly Yours, our congratulations!

(ROMMEL PLACENTE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …