NAG-COMMENT si Vic Sotto sa open letter ni Maine Mendoza sa AlDub Nation at sa nangyayari sa kanya ngayon.
“Aba’y ewan ko sa kanya. Itanong mo,” sey ni Bossing Vic Sotto sa presscon ng kanyang filmfest movie naMeant To ‘Beh na showing sa December 25.
“Hindi ako privy sa mga decision niya, eh. Kung ano man ‘yun, nirerespeto ko. Suportado kita kung anuman ‘yung nararamdaman mo, pinagdaraanan mo,” sambit pa ni Bossing Vic.
Hindi naman niya puwedeng husgahan si Maine.
“Kung ano man ang desisyon niya..hindi naman kasi ako..wala akong social media kaya hindi ko alam ang nangyayari. Nakiki-update lang ako kay Pauleen (misis niya),” lahad pa nito.
Naniniwala si Bossing Vic na hindi na mawawala ang AlDub kahit ano ang mangyari.
“Wala nang makabubuwag doon. AlDub is AlDub. Bakit ‘yung Guy & Pip, kinalimutan niyo na? Hindi puwede. Nandiyan na ‘yan. Forever na nandiyan na ‘yan. Nakatatak na sa mga puso natin. Hindi mawawala ‘yun,”deklara pa niya.
Hindi ba aalis ang AlDub sa Eat Bulaga?
“Ang alam ko si Alden kasama namin parati. Si Maine, hindi ko alam. I cannot speak for her,” sagot niya.
Kung tuluyang mawawala si Maine sa show, ano ang feeling niya?
“Sayang. Lungkot but the show must go on,” pakli pa ni Bossing.
Anyway, napadako ang usapan sa kanyang pelikulang Meant To ‘Beh. Bakit kailangang unahing panoorin ito sa lahat ng MMFF 2017 entries? Anong meron ang movie niya na panlaban sa pelikula nina Vice Ganda at Daniel Padilla, Coco Martin, at Jennylyn Mercado at Derek Ramsay, at sa horror movie ng Regal EntertainmentInc na Haunted Forest?
“Sana nga sabay-sabay nilang panoorin. First of all, rated G (General Patronage). Ang ibig sabihin ay for the whole family. Kahit anong edad, mga kaedad ni Baste, mga millennial hanggang mga lola at lolo ay mag-i-enjoy sa movie. Kung gusto nila ng masaya, eh, ‘Meant To Beh’ (ang panoorin),” tugon niya.
Masarap panoorin ang pelikula nila ni Dawn Zulueta dahil pampamilya talaga at nakatatawa. Ibabalik nila ang mga value ng pagiging pamilya kahit hindi perpekto, pero nandoon ang pagmamahal.
Bukod dito, napagsama nila ang mga Kapamilya at Kapuso gaya nina Daniel Matsunaga, Andrea Torres, JC Santos, Sue Ramirez, Thou Reyes, Ruru Madrid, at Gabbi Garcia.
Ito ay sa direksiyon ni Chris Martinez under OctoArts, APT, at M-Zet.
Havey!
MAGDALENO…
WALANG PAHINGA,
ISANG ADVOCACY FILM
TIMING sa buwan ng World Aids Day ang pelikulang Magdaleno…Walang Pahinga dahil isa itong advocacy movie na ipino-promote ang HIV awareness.
May premiere night ito sa December 8, Friday, 7:30 p.m. sa Cinema 4, Isetann Recto. Huhusgahan ang talent manager na si Sergio ‘Boy’ Pilapil na sumubok na ring magdirehe ng pelikula. Ito ay prodyus ng Royal Bajandi Films.
Magkakaroon din ng sexy fashion show at bikini showdown ang buong cast na pangungunahan nina Mike Sarmiento, Winston De Dios, Chin Chin Corado,Nicole Lopez, Axel Cabides at ilang models bago magsimula ang premiere night.
Sugod na!
TALBOG
ni Rldan Castro