Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic, idinenay ang suspensiyon ni Maine sa EB

SA presscon ng pelikulang Meant To Beh, na pinagbibidahan ni Vic Sotto katambal si Dawn Zulueta, idinenay niya ang usap-usapang sinuspinde mula sa kanilang noontime show na Eat Bulaga si Maine Mendoza.

Halos isang linggo na kasing hindi napapanood sa EB si Maine matapos ang kanyang mahabang open letter para sa AlDub Nation, na binigyang linaw niya ang tungkol sa kanila ni Alden Richards na magkaibigan lang at loveteam lang sila ng binata.

“Definitely not. Ang alam ko, nakabakasyon siya. I’m not really in the know, I’m not privy to anything na personal niyang desisyon. Kasi, para sa akin, kung ano man ‘yun… respetuhin na lang natin kung ano man ‘yung mga issue niya, kung ano man ‘yung mga pinagdaraanan niya. Siya lang ang nakaaalam. I’m not privy to anything personal pagdating sa kanya,” sabi ni Vic.

Naramdaman ba niyang may pinagdaraanan si Maine bago ito magbakasyon?

Sagot ni Vic, “Kasi hindi naman kami masyado nagkikita, eh. Most of the time, nasa barangay siya, nasa studio kami. Parang once a week lang kami nagkakasama sa studio, eh, kapag Saturdays. Ako, personally, wala akong nararamdaman.”

May mensahe ba siyang nais iparating sa fans nina Maine at Alden?

“Eh, ‘yun lang naman pagkakaalam ko, wala naman talaga akong alam, eh. Yung love team, hindi naman talaga mawawala na ‘yun, eh. Andoon na ‘yun habambuhay. So, hintain na lang natin ang mga kasunod na kabanata.”

Ang Meant To Beh ay isa sa walong entries sa darating na Metro Manila Film Festival 2017. Mapapanood na ito simula sa December 25. Mula ito sa direksiyon ni Chris Martinez at produced ng APT Entertainment, Octo Arts, at M-Zet.

ROBIN,
‘DI NAGPA-VIP
SA BILIBID

SA guesting ni Robin Padilla sa Magandang Buhay ng ABS-CBN 2 noong Martes, binalikan niya ang naging karanasan bilang preso nang makulong sa New Bilibid Prison (1994) dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Ayon kay Binoe, maipagmamalaki niyang hindi siya binigyan ng VIP treatment sa loob ng apat na taong pagkakakulong.

“Ilang libo kami sa loob. Walang nagreklamo riyan na ako’y nag-VIP treatment. Ako po’y nakisama, ako’y pumarehas, ako’y tumulong sa bilibid, ako’y nagtrabaho sa bilibid,” sabi ni Robin.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …