NAMI-MISS na ni Toni Gonzaga ang kapartner niya sa Home Sweetie Home na si John Lloyd Cruz.
Makikita ang kalungkutan ni Julie (Toni) dahil magpa-Pasko siya nang hindi kasama si Sweetie Romeo for the first time. Ano kaya ang gagawin niya sa kanyang pangungulila?
Anyway, patuloy na mataas ang ratings ng Home Sweetie Home kahit wala si John Lloyd. Hinihintay lang kung ano ang final decision niya kung babalik pa ba siya sa naturang sitcom.
Nandiyan pa rin si Piolo Pascual sa HSH na gumaganap na pinsan ni Lloydie.
Ngayong Sabado, guests sa Home Sweetie Home ng ABS-CBN 2 sina Erik Santos, Jules de la Paz, at Carlo Mendoza. May hashstag itong #HSHPaskoNaSantaKo.