Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John, ‘di pa rin nakikilala si Jake; Inah, takot ipakilala ang BF

TINANONG si John Estrada kung nagkita na ba sila ni JakeVargas, boyfriend ng anak niyang si Inah De Belen.

“Hindi pa!

“Well, palagi kong tinatanong sa anak ko ‘yan. ‘O, lahat ng tao alam na boyfriend mo ‘yan Jake na ‘yan puwera ‘yung tatay mo.’

“So sabi ko, ‘kailan ba talaga?’ ang sagot niya, ‘Dad, malapit na.’

“’Kailan ba talaga?’ ‘Eh, kasi Dad nakakatakot ka, eh!’ Eh sabi ko, ‘kung wala naman kayong ginagawang masama lalo na ‘yang si Jake, ba’t naman matatakot?’

“’Actually, Dad, hindi naman siya natatakot. Willing naman siya kaya lang ako lang,’ sabi ng anak ko. Parang natatakot siya para kay Jake. So, sabi ko, ‘hindi naman puwede Inah na hindi mo ipakikilala sa akin ‘yan dahil parang hindi naman maganda para sa side mo rin. Wala namang problema, bakit hindi mo ipinakikilala sa tatay mo,’ ‘di ba? Hindi naman mamamatay tao ‘yang tatay mo, ‘di ba?

“Sana… soon..makilala ko na,” sambit pa ni John.

Aminado naman si John na kilala niya si Jake bilang isang artista.

‘Pag nagkita sila ni Jake, ano ang sasabihin niya?

“Tumayo ka,” tumatawang pakli ni John na nagbibiro.

“Okey naman, mas matangkad daw siya sa anak ko, eh,” dagdag pa ni John.

Boto ba siya kay Jake?

“Ako, basta mahalin mo lang nang husto ang anak ko. Huwag mo lang saktan dahil sasaktan kita. Huwag mo lang saktan ang anak ko physically, pagbubuhatan ng kamay. Kaya nga ‘yung speech ko na kung sino man ang mauna sa mga anak ko na mag-asawa, huwag naman muna..Pero si Inah kasi she’s of age already, puwede na pero sa mga panahong ito, late na nagsisipag-asawa, mga 30.

“’Yung speech ko sa mga anak  ko noong wedding ko, lalo na sa mga babae kong anak, ‘wag niyo lang pagbuhatan ng kamay ang  mga anak ko.’”

Mas okey ba sa kanya na si Inah ang magpakilala kay Jake o ‘yung mag-effort si Jake na magkusang magpakilala?

“Alam mo, tinanong ko rin sa anak ko ‘yan, bakit kung talagang lalaki ‘yan, bakit hindi nagkukusa ‘yan?Ang sa akin lang, ano ba naman ‘yung ‘Sir.. ako po ‘yung si Jake. Ako po ‘yung boyfriend ng anak niyo.’ Sa tingin ko, mas maa-appreciate ko ‘yun.”

Sey pa ni John, pangatlo si Jake sa naging boyfriend ni Inah. ‘Yung dalawa ay nakilala niya rati.

Anyway, kasama si John sa pelikulang Unexpetedly Yours na showing sa Nov. 29 na tinatampukan nina Sharon Cuneta, Robin Padilla, Joshua Garcia, at Julia Barretto. Napapanood din siya sa Primetime ng ABS-CBN 2 na The Good Son na isa rin siya sa pinagdududahan na pumatay kay Albert Martinez.

Ayon kay John, desisyon ng management na hindi ipaalam sa buong cast kung sino ang pumatay hanggang dumating na ‘yung script sa kanila sa takdang panahon.

TALBOG
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …