Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Billboard ni Matt, nagkalat na

MAS lalong tumatatag ang relasyon at malapit sa isa’t isa ang Beautederm family dahil sunod-sunod ang pag-iikot nila sa mga probinsiya.

Kaya naman, sinorpresa nina Sylvia Sanchez, Matt Evans, at Shyr Valdez ang CEO at owner ng Beautederm na si Ms. Rei Ramos Anicoche Tan (Rhea Tan)  at ginawan nila ng birthday salubong. Na-appreciate ni Ms. Rhea na nag-effort ang mga ambassador niya na puntahan siya sa kanilang tahanan sa Angeles City. Sobrang nagulat at na-touched siya.

Todo ang pagbibigay suporta nila gaya na lang sa bagong serye ni Sylvia na Hanggang Wakas na nagsimula kahapon sa ABS-CBN 2.

Talagang namudmod pa sila ng mga Beautederm products noong presscon na pinuri ng press ang kalidad nito at vey effective talaga.

Actually, kahit ang pelikulang Nay ni Ibyang ay nakaplano sanang magkaroon ng Beautederm block screening kasabay ng kanyang kaarawan noong November 26. Pero ipina-cancel ni Sylvia noong mabalitaan niyang parehong nagkaroon ng sakit ang dalawang kids ni Ms. Rei at hindi ito makadadalo.

Samantala, bago ‘yan ay nagkaroon siya ng birthday treat sa Singapore kasama ang mga girl ambassador niyang sina Sylvia, Alma Concepcion, Shyr, Rochelle Barrameda, Jaycee Parker. Sina Maricel Morales at Yayo Aguila lang ang wala dahil may shooting,

Kamakailan ay nag-bonding din sila sa opening ng Beautederm store sa Cebu na naroon sina Sylvia, Matt, Jestoni, Shyr atbp..

Sey ni  Matt, tuwang-tuwa  siya dahil sunod-sunod  ang blessings ng naturang produkto. “Sobrang saya po ng opening at saka lalo na si Nanay (Sylvia), wala pong pagod at partida, may sakit pa po ‘yun, ha.

“Kay Mam Rei naman po, ang masasabi ko sa kanya, saludo ako at pagmamahal po para sa kanya. Kasi, sobrang hardworking po talaga siya at higit sa lahat mahal niya po ang ginagawa niya. Kaya nga po pati kami ay nahahawa na rin sa pagiging workaholic niya,” bulalas pa ni Matt sa isang panayam.

Masaya si Matt dahil tinupad ni Ms. Rhea ang pangakong bibigyan siya ng billboard. Nagkalat na ngayon ang Beautederm billboard niya sa EDSA, NLEX at iba pang lugar.

 

TALBOG
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …