Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joey de Leon

Joey, imposibleng gawing katatawanan ang isang trahedya

NAIS naming ipagtanggol si Joey de Leon sa ipinost niya sa social media, ‘yung larawang nasa Dead Sea siya na nilagyan pa niya ng caption.

Kagyat kasing iniugnay ‘yon sa pagkasawi ng Hashtags member na si Franco Hernandez mula sa pagkalunod.

Kung kaya naming maarok ang damdamin ni Tito Joey ay wala sa kanyang isip na ikonek ‘yon sa trahedyang sinapit ng 26-anyos na binata. Nasa katapat mang noontime program si Franco, imposibleng ipagbunyi pa ng isa sa mga host ng Eat Bulaga ang pagkamatay nito.

Nagkataon lang marahil na matagal pa bago maka-move on ang mga kaanak at kaibigan ni Franco. Napakawalang-puso naman ni JDL kung pagtitripan niya si Franco, sorry, pero hindi ganoon ang pagkakakilala namin sa kanya na matagal din naming nakatrabaho sa Startalk (GMA).

Para wala na ngang isyu’y binura ni Tito Joey ang caption but retained the photo na matagal nang kinunan.

Kilalang adik sa paglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo si Tito Joey with his family. Pinaka-bonus niya ‘yon for working so hard, at malimit niyang kunan ng litrato ang mga magagandang tanawing ginagalugad niya.

Maging ang mga lugar na may pagkabastos ang ibig sabihin sa wikang Filipino ay ginagawan ng pangiliti ni Tito Joey. Pero imposibleng gawin niyang katatawanan ang tungkol sa isang trahedya lalo pa’t taga-industriya ang sangkot sa pangyayari.

Maaaring “kinky” o malaswa ang dating ni Tito Joey sa pamamaraan ng kanyang pagpapatawa pero isa siyang mapusong payaso.

 

HOT AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …