Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ex-CIBAC Party-list Rep. Joel Villanueva sinibak ng Ombudsman sa P10-M agri pork barrel scam

MAGPALIT man ng kolyar, hindi garantisadong mapagtatakpan kung ano man ang dahilan kung bakit pinalitan ang dating kolyar.

Tila ganito ngayon ang karanasan ni dating CIBAC party-list representative and now senator Joel Villanueva, na ipinasisibak ng Ombudsman.

Mula man siya sa Liberal Party at lumipat ng loyalty kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, hindi ito garantiya na mabubura ang asunto laban sa kanya.

joel villanueva ombudsman morales congress kamara

Nitong nakaraang Lunes, ipinalabas ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang atas ng pagsibak kay ex-CIBAC party-list representative Villanueva sa public service dahil sa umano’y maanomalyang paggamit sa P10-milyong pork barrel allocation bilang House member.

Ayon kay Morales, si Villanueva, bilang da­ting party-list representative ay natagpuang guilty sa grave misconduct, serious dishonesty, at conduct prejudicial to the interest of the service.

Ito ay matapos mapatunayan na noong 10 Hunyo 2008, ini-release ang P10-milyong PDAF o pork barrel ni Villanueva sa isang bogus na NGO para ipatupad ang agri-based lilvelihood projects sa Region 11. Dalawang araw pagkatapos nito, hiniling ni Villanueva kay Yap na i-release ang pondo sa National Agri-business Corporation (NABCOR) bilang implementing agency, at ang AFPI bilang NGO partner.

Pero sa imbestigasyon, lumabas na hindi naisakatuparan ang proyektong pinondohan ng P10-milyon.

Anyway, hindi pa naman siguro masisibak agad-agad. Baka puwede pang umapela.

At mukhang wala naman umanong dapat ipag-alala si Senator Villanueva dahil malakas naman sila kay ‘lord.’

Abangan na lang natin kung tatalab pa ang power ni ‘lord’ para mailigtas sa pagkakasibak ang dating CIBAC representative.

CRIMINAL
ACTIVITIES
BACK  TO NORMAL
NA NAMAN?

UY, tipong back to normal na naman ang mga kriminal sa kanilang mga aktibidad na lately ay pawang young professionals (yuppies) ang binibiktima.

Ang isa sa kanila ay ‘yung bank teller na nasa gate na ng kanilang bahay sa Rosario, Pasig City at naghihintay na lang ng magbubukas, nadale pa ng mga demonyo.

‘Yung magkasintahan sa Bataan na natagpuan ang bangkay sa magkahiwalay na lugar.

Epekto ba ‘yan nang ipatigil ang Operation Tokhang at ipinamahala ang drug war sa Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA)?

Pero parang naghahamon pa ngayon ang mga kriminal sa pulisya na subukan lang silang galawin at tiyak na malilintikan sila.

Ganoon?

Huwag ninyong hamunin si PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa!

Baka masampolan kayo bago magretiro…

Tsk tsk tsk…

Pansamantala, gusto natin tanungin si Gen. Bato, handa na ba ang PNP para sa third round?!

Pakibulong nga po sa amin Gen. Bato!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …