Tuesday , December 24 2024

‘Karisma’ ni Trudeau supalpal kay Duterte (Sa pag-ungkat ng EJKs)

HINDI umubra kay Pangulong Rodrigo Duterte ang karisma ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau nang tangkaing talakayin ang isyu ng extrajudicial killings sa bansa bunsod ng drug war ng kanyang administrasyon.

Deretsahang sinabi ni Pangulong Duterte kay Trudeau na hindi siya magpapaliwanag sa Canadian Prime Minister hinggil sa EJKs dahil wala siyang pakialam bilang isang dayuhan.

Aminado ang Pangulo na nainsulto siya nang buksan ni Trudeau ang paksa sa kanya.

“I said I will not explain. It is a personal and official insult,” anang Pangulo.

Giit ng Pangulo, ang isang banyaga ay hindi alam ang tunay na nangyayari sa bansa kaya gustong paimbestigahan ang akusasyon ng EJKs.

Ang payo ng Pangulo sa mga kritiko ng kanyang drug war, huwag kumuha ng mga ebidensiya sa oposisyon at sa mga komunista dahil peke ang mga iyon.

“You know, my advice to everybody, the ones that I curse publicly is, ‘Do not get your documents from the opposition and from the communists’ because I said, they are all falsified,” anang Pangulo.

“Maybe I would say as a reality that there are some killing extrajudicially but as always, I order their arrest and detention just like what happened in Caloocan case. But you will be hearing more of it. Keep track of that record because in the end, you would know the real truth,” paliwanag ng Pangulo.

Pangunahing pinagkaguluhan ng mga Filipino si Trudeau sa dalawang beses na pagpunta sa bansa bilang delegado ng APEC noong 2015 at ASEAN Summit ngayong taon.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *