Monday , December 23 2024

Corrupt DBM official ‘di takot sa PACC at kay Pres. Duterte

NILAGDAAN ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte ang Executive Order No. 43 na lumilikha sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) noong nakaraang Oktubre.
Pakay nito na imbestigahan ang mga tiwaling opisyal at empleyadong inaabuso ang kanilang tungkulin sa pamahalaan.
Kasama sa kapangyarihan ng PACC ang irekomenda na maparusahan ang sinomang opis-yal at empleyadong nagkasala, na kung ‘di man suspendehin ay masibak sa serbisyo.  
Pero hanggang ngayon ay wala pang naitatalagang bubuo sa PACC kaya wala rin katiyakan kung kailan ilalarga ang ipinangakong kampanya kaban sa talamak na katiwalian sa pamahalaan.
Kung tutuusin, korupsiyon ang pangunahing dahilan sa problema ng ilegal na droga sa bansa dahil maraming nasa pamahalaan ang nasusuhulan.
Paniwala natin, posible lang malunasan ang problemang ilegal na droga sa bansa kung uunahin ang paglulunsad ng makatotohanang kampanya laban sa korupsiyon.    

PUNYETANG KAWATAN!
BAWAL nga ba ang corrupt sa administrasyon ni Pres. Digong?
Puwes, may isang opisyal si Sec. Benjamin Diokno sa Department of Budget and Management (DBM) na hindi siguro naniniwalang seryoso si Pang. Digong sa kampanya kontra korupsiyon at pagtatatag ng PACC.
Nais ng isang lumiham na concerned citizen na paimbestigahan ni Pres. Digong ang naturang DBM official na nagkakamal ng limpak at hanggang ngayon ay patuloy na nagpapayaman mula pa noong panahon ng administrasyon ni PGMA.
Ang nasabing opisyal ay nakapagpundar ng mga kuwestiyonableng ari-arian na hindi tugma sa kanyang kinikita o suweldo bilang opisyal ng DBM.
Bukod sa walong malalaking property na naipatayo sa magkakahiwalay na subdivision sa Central Luzon, muling nakabili ng panibagong house and lot sa Baguio City ang nabanggit na DBM official, kamakailan.              
Ayon sa concerned citizen, ang mga nasabing property ay kasama sa malaking kickback na nakamal ng opisyal sa bilyong pondo na inilabas ng DBM para sa Mt. Pinatubo Project.        
Sabi sa liham, “The releases were made on a weekly/monthly basis averaging about one billion pesos. To our calculations total releases amounted to almost ten billion pesos. And releases were made even without the corresponding appropriations cover and merely on the instructions of then Undersecretary Mario Relampagos of the DBM.”
Ipagpalagay na one percent na lang ang kickback mula sa P10-B pondo para sa Mt. Pinatubo project, lalabas na P100-M kickback ang kinita ng punyetang DBM official.  
Kaya naman pala nagawang maibili ni DBM official ng tig-isang kotse at mamahaling SUV ang kanyang mga kapatid.
Isa sa kanyang mga kapatid ay utility worker na may mababang suweldo sa isang government hospital pero SUV ang gamit na sasakyan.   
Pati ang mga pamangkin ng damuhong opis-yal ay kanyang napag-aaral sa mga mamahalin at pribadong paaralan.
Sa kasalukuyan, isang mansion ang ipinatatayo ng mandurugas na DBM official sa kanilang bayan sa isang lalawigan sa Norte.
Bukod sa kanyang suweldo, kumikita rin ng P50K kada buwan ang corrupt na DBM official sa kanyang bagong raket bilang speaker sa mga seminar na ginaganap tatlong beses isang linggo.
Wala rin siyang problema sa pagpapasuweldo ng tatlong kasambahay na naka-payroll bilang mga utility worker na J.O. sa DBM pero dalawa sa kanila ay sa kanyang bahay nagtatrabaho at ang isa ay sa bahay naman ng kanyang kapatid.
Nais ng lumiham na iparating kay Pang. Digong ang mga kahayupang pinaggagagawa ng hindot na DBM official at maimbestigahan sa pag-abuso sa tungkulin at mabusisi ang kanyang mga ill-gotten wealth.
Si DBM official ay hindi lang corrupt kung ‘di imoral din at ginagamit na katuwang ang kanyang alagang kabit sa pagsasamantala sa pamahalaan.
‘Yan ang inyong abangan sa mga susunod nating kolum at sa malaganap na programang “Lapid Fire” ng inyong lingkod sa Radio DZRJ (810 Khz/AM), gabi-gabi, 10:30 pm – 12:00 mn, na sabayang napapanood sa buong mundo via live streaming ng 8Tri-TV at 8TriMedia Broadcasting Network sa You Tube at Facebook. 

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *