Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kuya Jay Machete 91.5 Win Radio Bakit Ang Hirap Mag-Move On Concert-Talk

Concert Talk: Bakit Ang Hirap Mag-Move On, sa Nov. 9 na

SA unang pagkakataon ay magkakaroon ng Concert Talk si Kuya Jay Machete ng 91.5 Win Radiodubbed as Bakit Ang Hirap Mag-Move-On.

Dito ay ipaliliwanag ni Kuya Jay kung paano nga ba ang gagawin para makapag-move on ang isang broken hearted individual na nanggaling sa isang failed relationship.

With the use of spoken language or monologue ni Caren Armillo ng  Pag-ibig Feels ng 90.7 Love Radio, maipaliliwanag ng maayos kung ano nga ba ang proseso ng pagmo-move on at kung paano ito dapat gawin.

Makakasama ni Kuya Jay sa Concert Talk ang mga sikat na OPM singer ng mga broken hearted songs gaya nina Jireh Lim at Mark Carpio.

Kasama rin bilang guests ang Pinay Teenage Sweetheart ng Brunei na si Micole Dupaya at ang lawyer turned actress na si Atty. Jemina Sy.
Ang Concert Talk ay first of its kind sa concert scene na dedicated solely para sa mga broken hearted at sa mga nilalang na iniwan ng kanilang partner.

Ang Bakit Ang Hirap Mag-Move On Concert Talk ay magaganap sa Music Box Timog Ave, QC,  Nov. 9 7:00 p.m..

COWLEY,
MAGDADALA
NG LABI
NI ISABEL

NAIWAN ang partner ni Isabel Granada na si Arnel Cowley para ayusin at siya mismo ang magdala ng bangkay ng actresss na si Isabel Granada sa Qatar.

Habang binabasa ninyo ito ay nakauwi na sa Pilipinas si Mommy Guapa, ina ni Isabel, ang anak niyang si Hubert, at ang kanyang estranged husband na si Jericho Genaskey Aguas. Hihihtayin na lang nila sa ‘Pinas ang labi ni Isa.

ARJO, ‘DI MALUHO
MAG-ISIP NG REGALO
SA SARILI

KAARAWAN kahapon ni Arjo Atayde pero wala siyang materyal na regalo sa sarili. Wala rin siyang bakasyon kundi magsi-celebrate lang ng lunch kasama ang pamilya at ilang close friends. Then, magkakaroon siya ng kiddie party kasama ang mga pinsan.

Out na ang mga tander pagdating ng 3:00 p.m. dahil mga bata na ang kasama.Wala namang costume.

Happy ang kanyang inang si Sylvia Sanchez dahil ganoon mag-isip si Arjo at hindi maluho ang trip.

Anyway, magsasama ang mag-ina sa isang serye na ayaw pang banggitin ang titulo at time slot sa GMO unit ng ABS-CBN 2. Basta nagkaroon ng media announcement na kasama sa cast sina Ariel Rivera, Teresa Loyzaga, Rommel Padilla, Maris Racal,Marlo Mortel, Arnold Reyes, Sue Ramirezatbp..

SYLVIA,
PRESSURED
SA BAGONG
TELESERYE

SOBRANG napi-pressure ang Ambassador ng Beautederm na si Sylvia dahil galing siya sa role na Gloria sa The Greatest Love. Mataas ang expectation sa kanya sa pagganap bilang si Sonya.

Dini-disregard naman si Arjo ang pressure dahil may trust siya sa management. Basta ginagawa lang niya ang best niya at maging focus sa role niya.

Gaano ka-close sa totoong buhay ang pagiging mag-ina nila sa bagong serye na ito?

“‘Yung pagiging close ng mag-ina na nagbu-bully-han ‘yun. ‘Yung lokohan as in sobrang close na Sylvia at Arjo pero ‘yung journey na pupuntahan ay medyo malayo,” pakli ni Sylvia.

Isa sa laging pinapansin ni Ibyang kay Arjo ay ang pagiging Inglisero nito.

“Halimbawa, magkaeksena kami tapos na-take two siya, na-take three dahil nabubulol siya sa mga Tagalog na malalalim. Sisigaw ako at titingin sa kanya ng ‘hmp…english pa more, sige lamang ako sa ‘yo ngayon…Inglisan lamang ka pero rito ngayonTtagalog lamang ako,” tumatawang kuwento ni Sylvia.

Boom!

TALBOG
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …