WALANG bitterness na nakikita sa Banana Sundae star na si Angelica Panganiban kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.
Aminado siya na hindi madali ang pagmo-move-on pero kailangan niyang tanggapin na hindi sila para sa isa’t isa ni Lloydie.
Huwag ipilit sa sarili na may pag-asa pa.
Feeling nga niya noon si John Lloyd lang ang lalaking mamahalin niya.
Pero sinimulan niya ang ‘acceptance’ na wala na sila talaga. Hanggang sumunod ang pagpapatawad, pag-alis ng galit sa ex at sisihin ang sarili kung saan siya nagkamali at nagkulang.
At ngayon ay nararamdaman din niya na masarap din maging single. Nag-i-enjoy siya kahit mag-isa lang o kapiling ang close friends.
Push!
INTERNATIONALLY
ACCLAIMED DIRECTOR,
MULING ‘NAKAISA’
SA GUERRERO
MARAMI ang nagulat sa pelikulang Guerrero dahil super ganda ang pagkakagawa nito under EBC Films.Pinupuri ito ng mga press na nakapanood sa premiere night na naganap sa Megamall Cinema kahit hindi popular ang casting.
Award winning director sa abroad naman kasi ang gumawa ng pelikulang Guerrero sa katauhan ni Carlo Ortega Cuevas.
Pinatunayan niya na hindi sa sikat na artista ang ganda ng isang pelikula kundi sa istorya nito at kung paano niya ito ginawa.
Ang pelikula ay tungkol sa pagbagsak at tagumpay sa buhay ng mga boksigero.
Bida rito ang wedding photographer na naging actor, si Genesis Gomez. Siya ang gaganap bilang Ramon Guerrero. Dumaan siya sa audition para mapasakanya ang title role.
“Sobrang nakaka-pressure,” sambit niya sa isang panayam.
Si Genesis ay napanood na sa pelikulang Felix Manalo at Walang Take 2. Gumanap din siyang Don-Don sa sitcom na Hapi ang Buhay ng Net 25.
Kasama rin sa pelikula sina Joyselle Cabanlong, Julio Cesar Sabenorio. Showing na ito sa November 12.
“Filipinos are very resilient and many calamities and even pressing national issues cannot beat their indomitable spirit as they hold on to their unwavering hope and strong faith. There is always a Guerrero in every Filipino,”bulalas ni Robert Capistrano ng EBC Films.
Tama .. may ‘Guerrero’ sa bawat Filipino.
Bravo!
MGA CO-HOST
NI WILLIE, SAKIT
SA ULO KAYA
PAPALITAN NA
KAYANG-KAYA pa rin ni Willie Revillame na mag-host ng solo sa kanyang show na Wowowin ng GMA7. Kahit wala ang mga co-host niya ay carry niya at hindi sila kawalan. Nakita pa nga namin na mataas ang ratings noong October 26, na 9.7 percent sa Nutam PPL PRIME na solo niya. Tribute ‘yun sa mga sundalo ng Marawi.
Si Willie ay nominado ngayon bilang Best Game Show Host at ang Wowowin naman bilang Best Game Showsa 31st PMPC Star Awards For TV na gaganapin sa Nov. 12 sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneno de Manila University.
Dahil sa special edition ng Wowowin, kumalat ang isyung tinanggal umano ang lahat ng co-hosts niya pero itinanggi ito ng aming source. May mawawala, may maiiwan, at may madaragdag. May reformat na mangyayari na balik-taping sila sa November 7.
Dagdag pa ng aming source, nag-taping bilang guest co-host ang Mutya ng Pilipinas-Tourism International na si Jannie Loudette Alipo-on na lalaban sa Malaysia.
Pero how true na nagtampo si Willie dahil umano hindi priority nina Ara Arida at Ashley Ortega ang show? Kung totoo, nararapat lang na pagpahingain na lang niya ang mga ito at ‘wag papasukin para magkaroon ng leksiyon.
Pero mukhang tsismis lang ‘yun dahil ayon sa aming source namataan si Ara sa Wil Privante Mansion sa Tagaytay kasama ang ilang artista at winners ng Mutya ng Pilipinas noong Linggo.
Bukod dito, nagpaalam naman si Ara na may shooting at si Ashley ay may promo ng movie na Spirit Of The Glass 2. Pero ang tanong…bakit naman kailangang magpaalam para sa ibang trabaho kung may commitment sila gaya ng Wowowin na masasagasaan?
May alingasngas din na nagalit umano si Willie kina Sugar Mercado at komedyanteng si Verna na nagbubulungan habang nag-i-spiel ito sa audience. Totoo ba na nabastusan si Willie sa insidente? Nag-message kami kay Sugar sa kanyang IG account at pakli niya, ”Ha!ha!ha! ‘Di totoo ‘yun.”
Itinanggi naman ni Donita Nose na lagi siyang absent sa show dahil sa mga out of town shows at raket sa abroad.
Tinatanggap niya ‘yun ‘pag bakasyon sila.
I-guest co-host na lang kaya ni Willie sina Kris Aquino, Ruffa Gutierrez kung sakit ng ulo ang mga co-hosts niya? Siguradong mas havey pa ang show at lalong pag-uusapan.
May balita kasi na pati Sabado ay magkakaroon na umano ng Wowowin.
Abangan ang malaking pagbabago sa show dahil lilinisin ni Willie ang show.
“Tingnan mo noong mag-isa si Kuya (Willie), malinis, maayos ang show at mataas ang ratings. Walang nakikitang nagkakamali at nagkakalat,” sambit pa ng aming source.
Anyway, para sa ikalilinaw ng isyu, bukas ang column na ito para sa paliwanag ni Willie at ang mga co-host niya.
TALBOG
ni Roldan Castro