Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabel, buhay na buhay at lumalaban pa

NAGBIGAY ng pahayag ang karelasyon ni Isabel Granada na si Arnel Cowley sa pamamagitan ng kanyang Facebook page para matigil na ang iba’t ibang espekulasyon tungkol sa kumakalat na balitang namatay na ang singer-actress. Mariin niya itong pinabulaanan. 

Sabi ni Arnel sa kanyang Facebook post: ”To the news that says my wife Isabel Granada has passed is incorrect!”

Pakiusap pa niya,  ”Please respect our privacy and please do not make speculations or misinform the public.”

Samantala, ang kaibigan ni Isabel, ang dating aktor at co-member niya rati sa defunct youth-oriented show naThat’s Entertainment na si Robby  Tarroza, ay nagbigay na rin ng statement sa pamamagitan din ng kanyang FB account upang pabulaanan na sumakabilang-buhay na si Isabel. Ikinagalit ni Robby ang posts ng ilang netizens na pumanaw na  ang dating child star.

Sabi ni Robby sa kanyang FB post, ”For those people who are posting that Isabel Granada has passed away. Please take those down! Words are very powerful. She is still alive and fighting for her life. Ano ‘yun..natutuwa kayo na kayo ang mauna magbalita na patay ‘yung tao? Sikat kayo? Please delete those post. We need to continue praying for her. Pls share this message guys para makarating sa mga nag-post na wala na si Isabel. Buhay pa siya!”

Sa sumunod naman niyang post ay sinabi ni Robby na may pagbabago sa kondisyon ni Isabel.

Aniya, ”so I found out that Isabel Granada is stable now. Her vitals are anyway. Still in a coma but stable. So they should be preparing her for surgery soon. Let’s all keep praying. She is indeed a fighter! Go Isa! fight pa sis!  God give Isabel back to us.”

Sa mga nagsasabi/nagbabalita na patay na si Isabel, sana tumigil na kayo. Huwag kayong magbalita kung hindi naman kayo sure sa ibabalita ninyo. Tulungan ninyo na lang kami sa pagdarasal na tuluyan nang gumaling si Isabel. At sa inyo dear readers, humihingi rin po kami ng dasal sa inyo para sa aming kaibigan at para ko nang kapatid na si Isabel. Maraming salamat po!

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …