Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Migz, nagdatingan ang blessings nang humiwalay kay Maya

LAKING tuwa at excited si Migz Haleco na maging bahagi siya ng Himig Handog 2017. Siya ang interpreter ng kantang Bes mula sa komposisyon ni Eric de Leon.

Mukhang magaan ang pagsosolo niya dahil sunod-sunod ang mga proyekto niya. Noong una ay medyo nagtampo pa siya sa kanyang partner na si Maya na naghiwalay sila dahil noong una hindi niya alam na buntis na pala ito kay Geoff Eigenmann.

Pero ngayon kung tatanungin siya, mas gusto na rin niyang solo sa kanyang music career.

“Noong una, akala ko, excitement lang, pero ngayon, ramdam ko rin talaga ang pressure,” pag-amin niya sa nalalapit na grand finals night na magaganap sa Nov. 26.

Para sa MOR’s Choice award, puwede n’yo nang iboto si Migz at ang kantangBes. Just text MORHHSONG2 to 2366.

Isa pang magandang ganap sa career ni Migz, mapapanood na siya sa ASAP. Kasama siya sa Jambayan with Inigo Pascual, Kaye Cal, Moira dela Torre, atZia Quizon.

Release na rin ang single niya sa Star Music entitled Pare Tama Na na bahagi ng MOR Bigaten.

(ROLDAN CASTRO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …