Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janine, ‘di susunod sa mother studio ni Rayver

HINDI nagkita o nag-isnaban ang mag-ex na si Janine Gutierrez at Elmo Magalona noong pumunta siya sa Star Magic Ball. Malaki ang venue kaya hindi sila nagtagpo.
Niyaya kasi ni Rayver Cruz si Janine na maging  date sa Star Magic Ball. Hindi siya agad sumagot dahil nagtanong muna siya at nagpaalam. Nag-enjoy naman siya  at hindi na-out of place sa okasyon. Naroon naman ‘yung friend niya at todo alalay rin si Rayver sa kanya. Mababait naman ang lahat ng Kapamilya na nakilala niya.
Pero, hindi rin ito preparasyon sa paglipat ni Janine sa ABS-CBN 2.
Ayon sa bago niyang manager na si Leo Dominguez, nakikipag-negotiate pa sila at inaayos ang bagong contract ni Janine sa GMA 7.
“Hindi naman po kailangang magsunuran,” sey niya nang tanungin kung si Rayver ang lilipat sa GMA 7 o siya ang susunod sa ABS-CBN 2.
Anyway, kumusta na ang status nila ni Rayver na nanliligaw sa kanya?
“Ano po..close po kami. At saka ‘pag may time nagkikita po kami,” sambit niya.
“Hayun po, kalma lang,” dagdag pa niya.
Anong mayroon si Rayver para mapapayag itong maka-date?
“Masaya naman po siyang kasama, eh. At mabait po siya talaga,” tugon pa niya.
Anyway, kapapanalo lang ni Janine bilang Best Supporting Actress sa Urduja Heritage Film Awards para sa pelikulang Dagsin.
May bago rin siyang pelikula entitled Spirit of the Glass 2 na ipalalabas sa November 1.
Ginagawa rin niya ang digital TV series na Unbroken Hearts na prodyus ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films with Planet A Media.
Pinasok din niya ang recording para sa theme song ng serye na ini-record sa Los Angeles na prodyus ng RedOne, the producer ng Lady Gaga at Jennifer Lopez.
Pak!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …