Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi ko naisip baguhin ang aking mukha dahil baka malungkot ang Filipinas — Empoy

NANLAKI ang mata na natatawa ang reaksiyon ni Empoy Marquez nang tanungin kung aware ba siya sa trending na pagpaparetoke ni Xander Ford.

“Nakikita ko po siya sa social media. Actually, hinahanap po siya ni Kuya Dennis (Padilla, director ng ‘The Barker’), igi-guest siya sa isang movie,” bulalas ni Empoy.

Seryoso ba ‘yan?

“Hindi, joke lang,” pakli niya.

Ano ang reaksiyon niya sa gaya ni Xander na binago ang sarili physically?

“Para sa akin. ‘yung ginawa ni Marlou, ginawa niya kung ano ang passion niya sa buhay. Kung saan po siya magiging masaya, susuportahan po namin siya,”maikling sagot ni Empoy.

Hindi ba niya naisip dati na baguhin din ang ilang parte ng kanyang mukha?

“Hindi ko po naisip kasi ‘pag binago ko ang mukha ko, baka malungkot ang buong Filipinas,” sambit niya.

Anyway, muling susubukan ang lakas sa takilya ni Empoy sa October 25 para sa pelikulang The Barker pagkatapos ng box office hit na Kita Kita. Kasama niya sinaShy Carlos, Jeric Raval, Wilma Doesnt, Ronnie Lazaro, Janice Jurado, at angThe Greatest Love’s power couple Sylvia Sanchez and Nonie Buencamino. The film also stars newcomers Jemina Sy and Raffy Reyes. Ito ay directorial debut niDennis Padilla. Ang The Barker ay co-production ng Viva Films at Blank Pages Productions ni Direk Arlyn dela Cruz.

TALBOG!
ni Roldan Castro



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …