Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

East vs West sa All Star tinanggal na ng NBA

LEBRON James at Stephen Curry sa isang koponan? Muling pagsasama ni Russel Westbrook at Kevin Durant?
Ilan lamang iyan sa mga posibleng mangyari sa darating na 2018 National Basketball Association All Star sa Los Angeles, California makalipas ang mga pagbabagong ipapatupad ng liga simula ngayong taon.
Napagkasunduan ng NBA at ng NBPA (National Basketball Players Association) na alisin na ang East vs West na All-Star game bagkus ay pipili ng 24 na pinakamagagaling na manlalaro kahit saang komperensiya nagmula.
Ang naturang pagbabago sa All Star Game ay upang maging balance ang parehong koponan at mapaganda ang laro na sa mga nakalipas na taon ay nagiging waring exhibition lamang dahil walang depensa, panay slam dunks at tres lamang na kompetisyon.
Ngunit para sa starters ay magkakaroon ng botohan tulad ng mga nakaraang taon. Ang manlalarong makakukuha ng pinakamataas na boto sa East at sa West ay tatayong kapitan ng bawat koponan at siyang magkakaroon ng karapatang mamili ng kahit sinong naisin niyang manlalaro kahit pa sa kabila ng komperensiya manggagaling.
Pipili ang dalawang kapitan ng tig-11 manlalaro para sa kanilang koponan sa 22 draft pool ng NBA Players para sa kakaibang All Star Game na gaganapin sa 18 Pebrero 2018.
Magugunitang pagkatapos ng 2017 NBA All Star Game ay iminungkahi ng NBPA President na si Chris Paul mula sa Houston Rockets na dininig ni NBA Commissioner Adam Silver.
Ang iba pang mga detalye ng bagong bihis na All Star Game ay ilalahad ng NBA sa mga susunod na araw. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …