Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ika-2 araw ng tigil-pasada kinansela

HINDI itinuloy ang pangalawang araw ng tigil-pasada o transport strike na inilunsad ng Stop and Go Coalition, na sinimulan nitong Lunes ng umaga. 

Ayon sa ulat, ito ay dahil hindi naging tagumpay ang nasabing kilos-protesta ng nabanggit na grupo ng transportasyon at hindi nagawang paralisahin ang transportasyon sa Metro Manila, maliban lamang sa ilang piling lugar.

Sinasabing umabot lamang sa 200 pasahero sa Metro Manila ang naapektohan ng inilunsad na tigil-pasada.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), ilan sa mga lugar na apektado ng tigil pasada ay Sta. Ana, Valenzuela, at ilang lugar sa bahagi ng Paco, Maynila.

Ayon kay Jun Magno,  convenor ng naturang grupo, kinansela nila ang pangalawang yugto ng kanilang transport strike o tigil pasada dahil may inaayos silang bagong hakbang para sa panibagong pagkilos.

Inilunsad ang dalawang araw na transport strike ng grupo kamakalawa ngunit kinansela ang pangalawang araw dahil naging palpak ang unang araw ng kanilang kilos protesta.

(JAJA GARCIA)



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …