Monday , December 23 2024
Duterte Marcos Martial Law
Duterte Marcos Martial Law

Malawakang protesta hinikayat ni Digong (Sa 45 taon ng Martial Law)

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-45 anibersaryo ng martial law sa Huwebes bilang National Day of Protest.

Sa panayam sa Pangulo kahapon, sinabi niya, suspendido ang klase at pasok sa trabaho sa 21 Setyembre upang magkaroon ng tsansa ang lahat ng mamamayan na lumahok sa mga kilos-protesta, maging ito ma’y kontra sa pamahalaan at ang mga kawani ng gobyerno na may sentimyento laban sa pamahalaan.

“‘Yan Sept 21 is not a holiday, I have declared it as a national day of protest lahat ng gusto magprotesta laban sa gov’t laban sa pulis military lahat magbabaan kayo, lahat protesta. Kami, ako rin sa gobyerno magprotesta rin ang sahod namin maliit wala kami equipment, wala kami allowance sabay tayo magprotesta sa gobyerno natin. Walang trabaho kung gusto ng gobyerno, mayroon naman unyon, unyon diyan they should participate, sabi kasi military at rebels nila the red army come down here, I will not arrest you, I will not arrest you but do not for the life of me, I’m asking you do not commit crime, no vandalism no lahat, police or army sa barracks lang, ang makikita ninyo riyan traffic lang,” anang Pa-ngulo sa panayam matapos makidalamhati sa burol ni PO3 Junior Hilario sa Bagumbong, Caloocan City.

Hinimok ni Pangulong Duterte ang mga mamamahayag na maglunsad ng rally laban sa mga may-ari ng mga pahayagan, radio at TV network at online news webiste dahil sa maliit na suweldong tinatanggap ng working media.

“National day of protest pati media kayong underpaid sa media, ;di binabayaran ng mga network kuripot, tanong mo ako bakit nagsiaalisan ‘yung…” ani Duterte.

Magugunitang mismong ina ni Pangulong Duterte na si Soledad  ”Nanay Soling” Duterte ang nagsilbing leader ng Yellow Friday Movement, isang anti-Marcos organization na aktibong nag-lunsad ng mga pagkilos laban sa diktadurang Marcos hanggang humantong sa EDSA People Power 1.

Nagbanta ang mass organizations na maglulunsad ng malaking kilos-protesta sa Huwebes bilang pagkondena sa extrajudcial killings bunsod ng drug war ng administras-yong Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *