HUMINGI na ng tawad si John Lloyd Cruz sa kanyang Instagram account na @ekomsi. Dahil sa kumalat niyang video na lasing na lasing.
“diz iz mi lerning. very humbling but i do apologize to the little boys & girls. no regrets babies just life revealing its raw beauty (sic),” caption niya sa isang larawan na naka-post. Tao lang si John Lloyd na nagpaka-normal, nag-enjoy, nagliwaliw pero sana naprotektahan siya ng mga ‘totoong kaibigan’ niya. Sana maipakita rin ni Ellen Adarna na responsible siya at matinong kasama ni John Lloyd gaya niyong panahong naprotektahan siya nina Liz Uy, Ruffa Gutierrez, Angelica Panganiban, at Shaina Magdayao.
Sa ganitong kasiyahan, sana wala nang video-video. Kung ordinaryong tao lang siya at hindi big star, hindi naman papasinin ‘yan.
Pero dahil sikat siya at may endorsement, may image pa rin siya na dapat alagaan.
Image ni JLC, pinapangit
ng kampo ni Ellen
WALANG puwedeng kumontra kung anong kaligayahan ang nadarama ngayon ni John Lloyd Cruz sa kapwa Home Sweetie Home star na si Ellen Adarna. Kung saan siya masaya ay dapat lang naman na suportahan.
Nasa tamang edad na si Lloydie at kung anong desisyon ang gusto niyang gawin ay okey lang naman.
Pero ang mga nagmamalasakit sa magaling na actor ay nalulungkot dahil sa mga larawang naglalabasan gaya ng f—you sign na kasama niya si Ellen at dalawa pang babae.
Sa estado ni Lloydie at bilang isang endorser dapat ay nag-iingat pa rin siya sa kanyang aksiyon.
Sa totoo lang, tumataas ang level ni Ellen na kasama siya pero huwag namang hayaan ni JLC na bumaba ang pagtingin sa kanya ng netizens.
Pumapalag na kasi ang fans ni Lloydie sa mga naglalabasan niyang photo courtesy umano ng camp ni Ellen na mukha itong lasing, may kuhang nakahubad malapit sa dalawang tangke ng LPG, at may caption na, “He can’t breathe dawww>Ø#Ý Kulit mo baby boy hahahahah para kang bata.”
Bagamat na-delete na ang mga nakasisirang photo ay kumalat na ito sa social media.
Walang pakialam ang tao at walang masama kung gusto nilang magpakasaya, pero sana inisip din ng kampo ni Ellen na may image si John Lloyd na dapat pangalagaan at may mga ini-endorse.
Sana, bilang isa sa kasama si Ellen, pangalagaan niya at protektahan ang magaling na actor para hindi siya manega at mahusgahan na umano’y bad influence.
Patunayan dapat ni Ellen sa mga netizen na matino siyang kasama, karapat-dapat, at hindi masisira ang image ni Lloydie.
‘Yung mga kasama nilang barkada, dapat mamili rin ng ipo-post dahil hindi sanay ang netizens na ganoon ang hitsura niya.
Huwag sanang maging mitsa ang kampo ni Ellen sa pagbagsak ni JLC at mawalan siya ng ini-endorse.
Pakatatandaan ng doreenting na ‘yan na nag-post na kaibigan umano ni Ellen na wala siyang career na mawawala pero si John Lloyd ay mayroon. Okey lang mag-enjoy pero ‘wag magkalat.
Tama naman ang mga faney na ‘wag samantalahin ang kahinaan ni John Lloyd para ma-focus sa inyo ang atensiyon. Hindi ‘yan male starlet para sabihing ‘mind your own business’. Hindi sanay ang fans na nagdi-dirty finger ang idol nila.
‘Yun lang naman!
Sagot ni Angel
sa KathNiel fans:
Wala akong
seryeng nag-flop
TIGILAN si Angel Locsin dahil wala siyang kasalanan kung nadagdag siya sa La Luna Sangre. Lubay-lubayan siya ng mga KathNiel fan na hindi kagandahan ang asal.
Desisyon ‘yan ng management kaya wala kayong karapatang bastusin ang isang artista.
Hindi niyo man lang binigyan ng kahihiyan ang mga idolo niyo na cyber bullying advocates.
Heto’t nangunguna kayo sa pagiging bashers at bully.
Kung nakaagaw man ng pansin si Angel sa pagbabalik niya sa serye, ‘wag insekyurada ang KathNiel fans na magagaspang ang ugali. May sarili ring highlights sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
May mga luka-luka rin na nag-bash kay Angel na puro flop ang serye nito.
Buong ningning namang pumatol si Angel na wala pa siyang seryeng flop.
May napatunayan na si Angel at naging Primetime Queen din naman kaya bigyan naman natin ng paggalang.
At kung walang Lobo na nagsimula sa seryeng ‘yan, wala ring La Luna Sangre ngayon.
Kaya tantanan niyo si Angel, ‘no?!
TALBOG
ni Roldan Castro