Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Nora Aunor

Nora at Vilma nagsama, nagkatabi sa entablado

BIHIRA magsama at magkatabi ang dalawang reyna ng Pelikulang Pilipino na sina Superstar Nora Aunor at Star For All Seasons Vilma Santos sa isang entablado sa isang gabing itatatak na sa kasaysayan ng awards night sa katatapos na 33rd PMPC Star Awards For Movies noong Linggo ng gabi, sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Pinagkalooban ng karangalang Ginintuang Bituin Ng Pelikulang Pilipino ang dalawang aktres at kapwa nanalo pa bilang Best Actress, si Vilma para sa Everything About Her at si Nora para sa Kabisera.

Sa harap ng dumadagundong na tilian at palakpakan ng mga tagahangang nagpatunay na buhay na buhay pa rin ang pagmamahal nila sa kanilang idolo nagyakapan, nagkuwentuhan, at nagpalitan pa ng mobile numbers ang magkumareng ilang taon ding hindi nagkita. Isa itong milestone na nalikha ng Star Awards, historikal nang maituturing.

Naging madamdamin din ang pagtanggap ni Teen King Daniel Padilla ng kanyang kauna-unahang Best Actor award para sa Barcelona.

Emosyonal din kapwa sina Pen Medina at direk Joel Lamangan na tumanggap ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award at Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera.

Mangiyak-ngiyak din si Joshua Garcia sa kanyang acceptance speech dahil first time niya na magkaroon ng acting award.

Nagwaging Darling Of The Press si Luis Manzano, Loveteam Of The Year naman sina Kathryn Bernardo at Daniel (KathNiel) para sa Barcelona.

Hinarana nina Christopher de Leon at Cesar Montano sina Vilma at Nora, binuksan nina Christian Bautista at Isay Alvarez ang show sa kanilang awitin; sing and dance naman sina Sam Concepcion, Edgar Allan Guzman, at Darren Espanto.

Ang 33rd PMPC Star Awards For Movies ay produksiyon ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino at idinirehe ni Bert de Leon.

Mapapanood ang kabuuan ng show sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa Setyembre 24.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …