ANG buhay na chi na inilalabas ng mga halaman ay mayroong positibong impluwensya sa iyong sariling chi at nagiging mas madali para sa iyo na matamo at mapanatili ang magandang kalusu-gan. Maaari mong punuin ang iyong bahay ng iba’t ibang mga halaman, o maggugol ng oras malapit sa mga halaman upang mapagalaw ang iyong chi sa paraang makatutulong sa iyo para sa magandang pakiramdam.
Ang mga halamang may higit na matibay, matatag at matulis na mga dahon (katulad ng yucca) ay naglalabas ng higit na masiglang yang chi. Ang mga halamang may malambot, more floppy at bilugang mga dahon ay nagbubuo naman ng more relaxing yin chi.
Ang madahong mga halaman sa harap ng isang nakausling kanto ay magpapagal sa chi na kumikilos sa matulis na gilid na ito. Maitatago ng mga halaman ang mga kantong ito.
Ang ilang mga pintuang magkakahanay, ang mahabang corridor, at mga pintuan o bintanang magkakaharap ay magpapabilis sa pagkilos ng chi. Upang mapabagal ang chi, maglagay ng madahong mga halaman malapit sa mga bintana at stagger plants sa kahabaan ng corridor.
Ang halamang patu-ngo sa front door ay naghihikayat para sa mabilis na pagdaloy ng chi at may panganib na dumaloy ang ilan nito palabas ng pinto, kaya naman kukulangin ang chi sa loob ng bahay. Upang mapabagal ang chi na ito, maglagay ng madahong halaman sa pagitan ng paanan ng hagdanan at front door.
Ang mataas na beam o biga na sumusuporta sa mabigat at malakas na downward flow ng chi ay maaaring maging opensibo. Ang pagpapatubo ng halamang may malakas na upward chi sa ilalim ng beam ang kokontra rito.
Karaniwan para sa chi na maging stagnant sa mga kanto ng kuwarto. Ang yang, fiery plants na may matatag, matulis na mga dahon ang makatutulong upang mapabilis ang pagkilos ng chi roon.
BUENAS SA PUNGSOY
ni Lady Choi