Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James nagpasiklab sa MOA

SA hinaba-haba ng prusisyon, sa Maynila rin ang tuloy.

Naunsyamin man noong nakaraang tao, tinupad ni NBA Superstar LeBron James ang kanyang pangakong pagbabalik sa Maynila nang magpasiklab kamakalawa sa kanyang Strive For Greatness Show Tour sa Mall of Asia (MOA) Arena, Pasay City.

Pinangunahan ni James ang 92-71 panalo ng kanyang koponan na Gilas Youngbloods kontra sa Gilas OGs sa 30-minutong eksibisyon.

Nagsilbi munang manonood si James sa unang 25 minutong laro sa pagitan ng dalawang henerasyon ng Gilas.

Binubuo ng mga kabataang sina Kiefer Ravena, Rayray Parks Jr., Kai Sotto, Almond Vostros, Baser Amer, Mike Tolomia, Roger Pogoy, Raymae Jose at Raymond Almazan ang Youngbloods habang ang mga beteranong sina LA Tenorio, Paul Lee, Ranidel De Ocampo, Japeth Aguilar, Jeff Chan, Gary David, Jared Dillinger, Jayson Castro at ang nagbabalik na Kapitan na si Jimmy Alapag.

Hindi nakapagtiis, naglaro si James sa huling 5 minuto at nagpasiklab sa mga tres, malulupit na pasa at umaatikabong slam dunk na kitampukan ng buzzer-beater na windmill jam.

“I said two years ago I’ll be coming back but some unfortunate things happened. But now, I am back,” ani James sa pagtatapos ng Manila leg ng kanyang Nike tour.

Bago ang eksibisyon, nagdaos ng private training session si James kasama ang Gilas cadets sa Taguig.

Ang 3-time NBA champion at 4-time NBA MVP ay pupunta sana sa Maynila noong nakaraang taon ngunit hindi natuloy dahil sa sinasabing logistical challenges.

Ito na ang ikatlong pagbisita ni James sa bansa buhat noong 2013 at 2015.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …