Tuesday , December 24 2024

CCTV, GPS sa PUVs aprub sa Kamara (Sa ikalawang pagbasa)

INAPRUBAHAN ng Kamara sa pangalawang pagbasa ang panukukalang nag-uutos na kabitan ang public utility vehicles (PUVs) ng closed-circuit television (CCTV) cameras at global positioning systems (GPS) trackers upang maiwasan ang krimen at upang may makuhang impormasyon na makatutulong para mapanagot ang mga kriminal.

Sa House Bill 6112, o panukalang “Public Utility Vehicle Monitoring Act” idineklara bilang state policy ang pagtitiyak sa kaligtasan ng mamamayan, partikular ang mga pasahero, laban sa mga kriminal na aktibidad, kaya may pangangailangan na kabitan ng CCTV at GPS trackers ang PUVs.

Sa ilalim ng nasabing panukala, ang PUV ay hindi pahihintulutan mag-operate kung walang nakakabit na CCTV camera at GPS tracker, “authenticated and sealed by the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).”

Dalawang CCTV camera units ang dapat ikabit sa bawat uri ng PUV. Ang pagpapalit sa sira o ninakaw na CCTV cameras o GPS trackers ay isasailalim din sa kaparehong proseso ng instalasyon, authentication at pagseselyo.

Dapat may written notice sa mga erya na madaling makita ng mga pasahero sa SUV upang mabatid nilang ang unit ay may nakakabit na CCTV cameras at GPS tracker.

Ang mga operator na hindi susunod sa requirments na ito ay hindi pagkakalooban ng “Certificate of Public Convenience.”

Ang PUVs na nag-o-operate na bago naisabatas ang panukala ay dapat sumunod sa requirement sa kanilang pag-renew ng rehistrasyon.

Ang mga lalabag sa batas ay papatawan mula P5,000 sa unang paglabag, P10,000 sa pangalawang paglabag, at P15,000 sa pangatlong paglabag.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *