GOOD morning po Señor,
Ako po c Gina. Ask q lang, anu po ba meaning if nanaginip ng snake… ng lalaki and ng about SEX! Sana masagot nyu yung tanong q .. thanks
(09182213709)
To Gina,
Ang ahas sa iyong bungang-tulog ay nagpapakita ng iyong mga nakatagong takot at alalahanin na bumabagabag sa iyo nang labis. Maaari rin na ang ganitong panaginip ay nagpapaalala sa iyo o nagsisilbing babala sa isang bagay na darating o mangyayari, ngunit hindi pa sumusulpot o nagma-manifest.
Alternatively, ang ahas ay maaaring simbolo rin naman ng temptation at ng dangerous at forbidden sexuality. Partikular, kung ikaw ay natakot sa ahas sa iyong bungang-tulog, ito ay maaaring may kaugnayan sa pangamba sa sex, intimacy, o commitment.
Maaaring may kaugnayan din ang ahas sa mga taong nakapaligid sa iyo na maituturing na ruthless at hindi maaaring mapagkatiwalaan. Bilang positibong sagisag naman, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge at wisdom. Ito ay may kaugnayan din sa self-renewal at positive change.
Kapag nakakita ng man o lalaki sa panaginip, may kaugnayan ito sa aspekto ng iyong sarili na assertive, rational, aggressive, and/or competitive. Maaaring kailangan mong i-incorporate ang mga aspektong ito sa iyong sariling karakter.
Kung kilala mo ang lalaki sa iyong panaginip, posibleng may kaugnayan ang iyong damdamin at concern na mayroon ka para sa kanya. Kung ikaw ay babae at nanaginip na ikaw ay nasa mga kamay ng isang lalaki, ito ay nagsasaad na tinatanggap at kinikilala mo ang iyong stronger assertive personality. Maaari rin namang may kaugnayan ito sa pagha-highlight ng paghahangad sa isang relationship at ng imahen ng iyong inaasam na ideal man.
Kung matandang lalaki ang nakita sa iyong panaginip, ito ay nagre-represent ng wisdom o forgiveness. Ang matandang lalaki ay maaari rin namang isang archetypal figure na nagbibigay ng patnubay sa ilang pang-araw-araw na suliranin mo.
Ang panaginip hinggil sa sex ay may kaugnayan sa psychological completion at ang pagsasama ng mga magkakasalungat na aspekto ng iyong sarili o pagkatao. Maaaring senyal din ito sa iyo upang mabatid na naghahanap ang iyong pisikal na bahagi o katauhan ng init at excitement ng sex. Maaaring bunga rin ito ng repressed sexual desires, hindi mo ito mailabas sa realidad kaya lumalabas ito sa iyong panaginip na kadalasan, may bahagi o anggulong hindi maintindihan o nagsisilbing palaisipan.
Posibleng bunga rin ito ng pagiging malamig, hindi mapag-eksperimento o kakulangan sa komunikasyon ninyo ng iyong partner na may kinalaman sa sex (sakaling may asawa ka). Sakali namang wala kang sex partner, ang ganitong klase ng panaginip ukol sa sex ay nagpapaalala sa iyo o paalala sa iyo ng sariling libido na ikaw ay tigang sa sex.
Kung ito namang bungang-tulog mo ay walang kaakibat na malisya o rason para mangyari, maaaring ito’y nagkataon lamang bunga ng maraming bagay o kaya, ng sobrangstress na nadarama mo either sa school (kung estudyante ka pa) o sa office (kung nagtatrabaho ka na).
Kumbaga, may naging trigger lang kaya naging ganyan ang takbo ng panaginip mo, kaya hindi mo na ito dapat bigyan pa ng pansin o isipin pa.
Señor H.