Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga picture ng mga anak, ‘wag kaladkarin sa social media

PARANG kapado na namin ang senaryong kinasasangkutan nina Kris Aquino at Michela Cazola na nag-ugat sa isinulat ni Tito Ricky Lo sa kanyang kolum sa Philippine Star nitong mga nagdaang araw.

Inilathala kasi ng mahusay at mabait na kolumnista (at entertainment editor ng nasabing broadsheet) ang ‘di pagsipot ni Bimby sa birthday party ng kanyang kapatid (sa amang si James Yap) na si MJ.

Ang nasabing ulat was not taken well by Kris. Sinundan ‘yon ng pagtawag ni Michela kay Tito Ricky na hindi nagkagusto sa artikulo.

We have a strong feeling na right after lumabas ang item na ‘yon ni Tito Ricky ay agad tinawagan ni Kris si Michela para talakan. Para makaganti, si Michela naman ang tumalak kay Tito Ricky.

Nabasa namin ang una’t sumunod na item ni Tito Ricky. Straight news reporting lang ang kanyang ginawa tungkol sa party ni MJ. Walang halong malisya.

Sang-ayon kami sa stand ni Tito Ricky na bago siya imulat sa “child abuse” o karapatan ng mga bata which Kris used as reference in her social media post ay magsilbing panawagan muna ‘yon sa mga tulad nilang mga magulang na huwag kaladkarin ang kanilang mga anak with matching posting their photos.

Tama naman. Bago kumuda sina Kris at Michela, let it start from them.

Ginawa lang ni Tito Ricky ang kanyang trabaho since inimbitahan siya sa naturang party sa kabila ng kanyang busy desk work. At heto pa pala ang napala niya?!

May secret agreement naman pala ang dalawang hitad sa ‘di pagdalo ni Bimby sa birthday party ng kapatid, pero wala man lang nag-abiso kay Tito Ricky?

Tapos, nagyayayayak sila ngayon? Tse! Tse raw, o!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …