ITINANGHAL na undisputed super lightweight champion si Terrence Crawford pagkatapos gibain si Julius Indongo para agawin ang korona nito sa IBF at WTA. Tangan naman ni Crawford ang korona sa WBA at WBC.
GINULPE ni Terrence “Bud” Crawford si Julius Indongo sa 3rd Round para lumuhod sa lona sa nalalabing 1:38 na sinaksihan ng boxing fans kahapon sa Lincoln, Neb.
Sa panalo ni Crawford ay tinanghal siyang undisputed super lightweight champion. Inagaw niya ang tangang korona ni Indongo sa IBF at WBA para kompletuhin ang apat na korona. Tangan ni Crawford ang WBO at WBC.
Tinanghal din na kauna-unahang kampeon si Crawford bilang undisputed champion ng dibisyon pagkatapos ni Jermain Taylor noong 2005.
Si Crawford na may karta ngayong 32-0, 23 KOs ay ipinadama kay Indongo ang matinding kaliwa sa katawan na sinundan ng kanan sa ‘solar plexus’ para magiba ito at itigil ng reperi ang laban sa 3rd round.
“Oh, man, we’ve been practicing our body shots all camp,” pahayag ni Crawford pagkaraan ng one-sided demolition ni Indongo. “It’s been a rough, tough camp and everything we worked on today in camp came out in the fight.”