BAGAMAT nagtapos sa hindi inaasahang puwesto ang Gilas Pilipinas 2017 FIBA Asia Cup, isa lang ang sigurado sa paparating na hinaharap – at iyon ang suporta ng PBA at ng tagasuporta ng pambansang koponan na Chooks-To-Go.
Sa pagkakapit-bisig ng PBA na pamumuno ni Commissioner Chito Narvasa at Bounty Agro-Ventures sa pangunguna ni Ronald Mascariñas kasama rin ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, maasahan ang mas pinalakas na Gilas lalo sa mas malaking laban sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa darating na Nobyembre.
“Personally, manalo o matalo. I enjoy watching our national team play. Makaaasa ang national team na ang Chooks-To-Go will continue to support behind the team whatever way we can,” anang BAVI boss na si Mascariñas.
Nagsimulang suportahan ng Chooks-to-Go ang Gilas Pilipinas noong nakaraang taon at nasa likod na ng koponan sa SEABA Championship noong Mayo, Jones Cup noong Hulyo at sa FIBA Asia Cup at SEA Games ngayong Agosto.
“Mahabang panahon na we’ve been competing in various international tournaments and we neglected our thanks to the PBA which had been behind our Gilas campaign. We hope the PBA will continue supporting Gilas na mahal na mahal nating lahat,” dagdag ni Mascariñas.
“In cooperation with the PBA, magagawan natin lagi ng paraan to form a competitive basketball team,” pagdidiin ni Mascariñas.
Ipinahiram ng PBA ang lahat na manlalarong kailangan ng Gilas sa SEABA, Jones Cup, FIBA Asia Cup at SEA Games.
Tulad ng lahat ng kamay na naghahawak-hawak para sa pambansang koponan, makaaasang magtutuloy-tuloy din ang sa panig ng PBA, pagtitiyak ni Narvasa.
“We want to support the program. It gives us a lot of pride to the PBA and gratitude to help these guys build the best Philippine basketball team,” aniya.
“It’s something we won’t stop working on – to the best we can be. We will build the best basketball team for the Philippines,” pagtitiyak ni Narvasa.
Sa ngayon, ang SEA Games muna ang misyon ng Gilas at ika nga ni Narvasa. “Go there and make us proud.
Tatangkaing sungkitin ng Pinas ang ika-18 ginto sa SEAG basketball.
ni John Bryan Ulanday