Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pakiusap ni Sharon sa paratang na inisnab sina Sarah at Jona: Tama na po please

ITINANGGI ng megastar na si Sharon Cuneta ang paratang na inisnab niya sinaSarah Geronimo at Jona pagkatapos magwagi sa The Voice Teens.

Mababasa sa post ni Sharon sa kanyang Facebook page: ”Can you please not believe the rumours na I snubbed everybody after Team Sarah and Jona won on The Voice Teens? And kino-comfort ko noon ay si Jeremy. I don’t even remember if I hugged Lala too. Katabi ko si Lala of Bamboo. I don’t even remember kung si Bamboo nakausap ko pa. When I looked gumitna na si Jona kakanta na ulit so ayoko naman “pumapel,” tapos nakita ko halos in one line pinapababa na kami ng stage sa side, nauna sila Lea then may mga nang-interview na yata sa kanila kasi to my right dumami na ang tao at nakatalikod na si Lea.

“Si Sarah hindi ko na nakita baka in-interview na rin. In short I didn’t have the chance. And just to let you know, everybody on the staff of the show knew that I was sick since that Friday. All the way through Saturday and the Grand Finals nung Sunday. My acidity was so bad and I had a cough Friday that suka pa ako ng suka na wala naman halos lumalabas kasi di ako makakain.

“Sa buong career ko may nakita ba kayong asal ko na ganyan kababaw at kabastos? Lumalaban lang ako pag kailangan, pero bihirang-bihira yon over almost 40 years. Bakit pinalalaki ito o inumpisahan man lang? Si Sarah parang nakababatang kapatid ko. Pinagtanggol ko noon sa intriga when kahit sa sarili ko never ko ginawa yon dahil naniniwala akong isa siya sa dapat lang respetuhin at sumikat dahil matino siyang bata, magandang example sa kabataan ngayon bukod sa napakagaling. Bakit ko gagawin yun? Show lang po ito at lahat kaming apat may karapatan maging coaches at judges dyan. Ako yata ang pinakamasaya nung nalaman ko na babalik siya. At bakit ako binabastos ng ibang fans niya ng ganon-ganon na lang? Nung bata ako hanggang sa araw na ito, marunong akong rumespeto sa lahat ng naunang sikat sa akin tulad nila Ate Vi at Ate Guy. Pati mga artista na di kilala nirerespeto ko. Tapos kasama kong coach at ala-alaga noon gaganunin ko? I am proud of Sarah. I congratulated her and Jona here on FB. And so you know, I checked into a hotel in Alabang near our house right after the show after buying a warm drink lang in Starbucks kasi ang ubo ko come and go and my chest was really tight. Ayoko mahawa ang mag anak ko kaya di pa ako umuwi until Wednesday. They just visited me there. Ayoko sa ospital kasi di ako nakakatulog pag nakaconfine ako.

“Please stop this. YOU ARE HURTING ME FOR NO REASON. Lahat ng pintas wala akong pakialam, pero pag involved ang mga kaibigan at ugali ko na wala namang katotohanan, nasasaktan ako. Ako nga ang nababastos minsan pero wala kayong naririnig sa akin. HUWAG NINYONG INSULTUHIN ANG PAGPAPALAKI SA AKIN NG MGA MAGULANG KO. And you have to remember this: THE WAY YOU FANS ACT AND TALK REFLECT ON YOUR IDOL. That is why I am proud of my Sharonians. Alam nila pag sobra na at kailangan nang ilagay sa lugar, at kung kailan tatahimik. Napakabilis niyo naman makalimot ng mag ipinakita kong kabutihan kay Sarah over the years. Itaas ninyo ang iniidolo ninyo. Huwag kayo manghila pababa ng idolo ng iba. Sana maliwanagan ang mga puso at isipan ninyo. Huwag masyadong mataas ang lipad, mataas at masakit ang pagbagsak pag ganoon.

“Kami ni Lea walang problema. I already explained na di lang kami nag-abot nung pinababa na kami. At alam namin kahit di kami mag-usap na pag ganon di namin fault. Malawak kasi isipan namin at dito na kami lumaki sa showbiz at sumikat.

“Napakadami kong pinagdadaanan sa buhay ko ngayon na wala kayong kaalam-alam. Napakabigat na ng dibdib ko at araw-araw akong may pinapasan. Pero ginagawa ko pa rin ang trabaho ko ng tama at walang tinatapakan. Nakakadagdag lang kayo ng sakit sa damdamin ko ng di ko naman dine-deserve.

“Tama na po please. Tapos na ang issue na ito as far as I am concerned. God bless you. At ipinapasaDiyos ko na lahat kayo at lahat ng ito. Salamat po.” (ROLDAN CASTRO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …