Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Empoy puwedeng ipareha kina Juday at Angelica

HINDI naiwasang hindi mapag-usapan ang bagong pelikula ni Judy Ann Santossa huling gabi ng lamay ni Alfie Lorenzo sa Arlington.

Ayon sa aming kausap, ”Actually, matagal nang hindi gumagawa ng pelikula si Juday. Kaya, it’s an event. Kakaiba!”

Kasama si Angelica Panganiban sa pelikula at ito ang Ang Dalawang Mrs Reyes.

Dagdag pa ng aming kausap, hindi ito heavy drama pero tiyak kagigiliwan ng mga manonood dahil akmang-akma sa personalidad ng dalawa.



Napag-alaman namin na hanggang ngayon ay hindi pa alam kung sino ang gaganap na Mr. Reyes. Agad naming naibulalas ang pangalang Ian Veneracion dahil aminin man o hindi, siya ang in-demand ngayon sa mga leading men pero ayaw magkomento ng aming kausap.

Nabanggit din namin ang pangalang Derek Ramsay na balitang wala na ang ban sa kanya ng network kaya puwede na itong gumawa ng proyekto. Pati ang pangalang Richard Gutierrez ay nabanggit din na pasadong-pasado sa kanyang personalidad na pag-aagawan ng mga babae.

Nabanggit din ang pangalang Dingdong Dantes na nakagawa na rin ng mga pelikula sa Star Cinema. Napabilang din si Empoy sa pagpipilian dahil ayon sa aming kausap, ”Bidang-bida ngayon si Empoy, eh. Pinag-aagawan!” Base sa pelikula nitong Kita Kita na ngayon ay humahakot ng milyones sa takilya katambal si Alesandra DiRossi.

Kung pasok si Empoy, puwedeng isipin na may pagka-comedy ang pelikula base sa karakter nito.



Ayaw mag-detalye ang aming kausap dahil bawal pero ang tanging ‘clue’ na naibigay nito, kailangan ang leading man ay ‘daring’ to get out of his comfort zone.

Sa puntong ito, naisip namin kung bakit hindi nabanggit ang pangalang Piolo Pascual? Dahil ba may kondisyon si Juday sa dating ka-loveteam na kapag bumalik na ang kanyang waistline na 24 inches ay doon pa lang ito makikipagtambal sa aktor?

Bilang karagdagan, nilinaw ng aming kausap na hindi ito pang-entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2017 dahil baka gahulin sa oras lalo pa, may planong may parteng kukunan sa ibang bansa.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …