Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

La Salle kampeon sa Taiwan

MINASAKER ng UAAP champion La Salle ang Universite de Lyon, 93-74 ng France upang maghari sa BLIA Cup University Basketball Tournament sa Kaohsiung, Taiwan.

Kumayod si Ben Mbala ng 26 points, 13 rebounds at apat na blocks habang kumana sina Aljun Melecio at rookie Gabe Capacio ng 19 at 12 markers ayon sa pagkakasunod para sa Green Archers na kinumpleto ang five-game sweep sa tournament.

Si Ricci Rivero na may 10 puntos, apat na assists at tatlong steals ang tinanghal na Most Valuable Player.

Sumali ang La Salle sa nasabing tournament bilang paghahanda sa UAAP men’s basketball wars na magsisimula sa susunod na buwan.

“Faith not Fate,” saad ni coach Aldin Ayo sa kanyang Twitter account.

Tinaob ng La Salle ang Chie Hsin University, top collegiate team sa Taiwan sa kanilang unang laro, 110-103 bago tinalbos ang Vanguard University, 84-81, sa overtime.

Pinadapa rin ng Green Archers ang Chung Chou University, 97-74 para sa kanilang three-game sweep sa preliminaries.

Sumampa sa Finals ang DLSU noong Sabado matapos paluhurin ang Tsinghua University, 103-95.

ni ARABELA PRINCESS DAWA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Camila Osorio Alex Eala

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …