Tuesday , December 24 2024

Dating VP-Binay, Junjun kinasuhan ng Ombudsman (Sa Makati Science building scam)

INIUTOS ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na sampahan ng kaso si dating Vice President Jejomar Binay, at anak niyang si dating Makati Mayor Junjun Binay kaugnay sa umano’y maanomalyang pagpa-tayo ng Makati Science Building.

Ayon sa impormas-yon ng reklamo ng Ombudsman, dinaya ng da-lawa ang procurement process sa konstruksiyon ng P1.3-bilyon na proyekto ng lungsod.

Sa magkahiwalay na resolusyon noong 1 Agosto, inakusahan ni Ombudsman Morales ang bawat isa sa mag-ama ng “four counts of graft” at “three counts of falsification of public documents.”

Batay sa plano ng proyekto, itatayo sa loob ng Makati Science High School sa kahabaan ng Kalayaan Avenue, ang Makati Science Building, at dapat ay may 10 pa-lapag na main building at apat palapag na dormitoryo.

Ngunit ang kinalabasan ay isang buong gusali na may 10 palapag.

Bukod sa mag-ama, 19 iba pa ang kasamang pinakakasuhan.

Samantala, Binuweltahan ng tagapagsalita ng mga Binay na si Joey Salgado, si Morales at sinabing ”selective pro-secution” ang ginawa ng Ombudsman sa dalawa.

Sinabi ni Salgado, mistulang binalewala (disregarded) ni Ombudsman Morales ang isinumiteng mga sagot ng mga Binay sa mga akusasyon laban sa kanila.

“The allegations have been answered, but apparently disregarded by the Ombudsman,” pahayag ni Salgado.

“It once again underscores the selective prosecution of the Binays and the Ombudsman’s tendency to look the other way when other political personalities are involved,” dagdag niya.

Iginiit ni Salgado na kampante ang kampo ng kanyang mga kliyente na magkakaroon ng “fair at impartial trial” ang kaso at malilinis din ng mag-ama ang kanilang mga pangalan.

Tinawag din ng abogado na “patently biased” ang mga akusas-yon ng Ombudsman.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *