Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Curry nagpasaring kay James (Kasama ang dating karibal na si Irving)


PATULOY ang aksiyon gayondin ang drama sa NBA kahit nasa pahinga ang lahat ng koponan at mga manlalaro sa offseason.

At pinakabago sa mga sahog ng umiinit na kuwento sa NBA ang paggaya ni Stephen Curry sa isang video workout ni LeBron James kamakalawa sa kasal ng dati niyang kakampi sa Golden State na si Harrison Barnes.

Normal ang banatan sa pagitan ng magkaribal na tulad ni Curry at James dahil nagtapat na sila sa huling 3 NBA Finals at gayondin sa parangal na MVP sa NBA.

Ngunit ang kabigla-bigla sa naturang video na kaagad pinag-usapan sa social media ang pagsama ng karibal ni Curry at kasangga ni James na si Kyrie Irving na naaktohang humahalakhak sa video.

Pagkatapos mismo ng 2016-2017 NBA Finals noong nakaraang buwan kung kailan tinalo nina Curry, Kevin Durant at Golden State Warriors sina James, Irving at Cleveland Cavaliers, nagposte agad si James ng instagram video sa loob ng gym upang ipakitang handa na siyang rumesbak para sa susunod na season.

Sa saliw ng kantang ‘First Day Out’ ni Tee Grizzly, isinayaw ni James ang awit at ito mismo ang ginawa ni Curry nang tumugtog sa kasal ni Barnes.

At nito nga lang nakaraang linggo, pumutok ang balitang gusto nang magpa-trade ni Irving mula sa Cleveland dahil ayaw nang makasama si James. Nais umanong maging numero unong manlalaro ni Irving nang walang tulong ni James.

Noong nakaraang taon lang, magkasama pa si James at Irving nang sila naman ang magpasaring sa Golden State matapos talunin sa 2016 NBA Finals.

Sa sandaling ikot ng tadhana, ang samahan bilang magkasangga ay tapos na… at wala na. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …