Saturday , November 23 2024

Suspensiyon ng klase

NAKARANAS na naman tayo ng malalakas na buhos ng ulan at malawakang pagbabaha bunga ng habagat na hinatak patungong Luzon ng damuhong bagyong “Gorio” sa loob ng ilang araw.

Nitong nakalipas na Miyerkoles ay maraming lugar na ang binaha bunga ng tuloy-tuloy na pagbagsak ng ulan at marami sa ating mga kababa-yan ang naprehuwisyo.

Tulad ng mga nakalipas na pagbuhos ng ulan, nagmistulang dagat ang maraming lugar.

Kinabukasan ay lalo pang lumala ang sitwas-yon dahil umabot daw nang hanggang dibdib ang baha sa Malabon at sa A. Fernando St., sa Valenzuela samantala sa ibang lugar ay hanggang baywang at tuhod ang tubig.

Kung tutuusin ay kalupitan pa lang ng haba-gat ang bumanat at hindi pa tayo napailalim sa anomang storm signal sa naturang sitwasyon dahil hindi tumama nang direkta sa lupa ang bagyo, pero madali pa ring lumubog sa baha ang malaking bahagi ang Metro Manila.

Noong Huwebes, maaga pa lang ay nagsus-pendi na ng klase ang karamihan ng paaralan sa Metro Manila upang hindi mahirapan ang mga estudyante, lalo ang mga paslit, na maligo at mababad sa ulan sa kanilang pagpasok.

Marami ang pumuna kung bakit nanatiling matatag ang Quezon City na hindi agad nagsuspendi ng klase dahil sa katwiran na hindi sila sasakay sa “bandwagon” ng mga nagsuspendi agad ng pasok sa mga paaralan. Hindi naman daw kasi bumuhos ang ulan sa magdamag.

Nang makitang tuloy-tuloy pa rin ang mga pag-ulan mula umaga ay kinansela rin ng local government ng QC ang mga panghapong klase. Ganon pa man ay maraming magulang na ang nagalit dahil sa kapabayaan ng mga opisyal.

Humingi ng paumanhin ang opisyal na dapat nagsuspinde ng klase pero “the damage has been done,” ‘ika nga, lalo na kung may mga batang nagkasakit dahil nababad sa ulan.

Alam naman natin na mahalaga ang edukas-yon at ito ang isinaalang-alang ng mga kinauukulan kaya hindi sila agad nagsuspendi ng klase.

Pero sa susunod na umabot sa punto na kailangan desisyonan kung kakanselahin ang mga pasok sa eskuwela o hindi, sana ay alalahanin at gawing prayoridad ang kapakanan at kalusugan ng mga estudyante.

Ang mga subject na makalalagpas o hindi mapag-aaralan sa loob ng isa o dalawang araw ay puwede naman balikan o talakayin muli sa pagtatalaga nang sobrang araw tulad ng Sabado para magkaroon ng “makeup or special classes.”

Pero ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante ay dapat manatiling prayoridad sa lahat ng oras, mga mare at pare ko, at hindi puwedeng kaligtaan kailanman.

Tandaan!

BULL’S EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *