Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia

Baby Zia, imposible pang masundan

 

INAMIN ni Dingdong Dantes na nakadepende sa desisyon ng GMA-7 kung muling magbubuntis ang kanyang misis na si Marian Rivera.

Sobrang abala ngayon si Dingdong sa pagsisismula ng kanyang Alyas Robin Hood Book 2 at balitang mayroon pa itong dalawang pelikulang gagawin. Ganoon din si Marian na sisimulan na rin ang bagong primetime fantaserye na Super Ma’am.

Matatandaang tinaasan ng kilay noon si Marian nang hindi ito nabigyan ng show sa first quarter ng taon na kung tutuusin ay dapat mayroon ng pambuena mano dahil siya ang ipinagmamalaking Primetime Queen ng GMA-7.

Kung sabagay, blessings in disguise ang pangyayari para naman mabigyan din ng oras si Baby Zia.

Ang orihinal na titulo ng show ay The Good Teacher na tiyak maba-bash na naman ang aktres dahil hindi bagay sa kanya ang karakter. Tiyak na ipagsisigawan ng mga detractor na hindi angkop sa kanyang katauhan. Magandang idea na pinalitan ang orihinal na titulo ng Super Ma’am dahil katatapos lamang ipalabas ang Wonder Woman na talagang milyong dolyares ang kinita nito sa buong mundo at heto pa si Darna na tiyak dudumugin din kapag ipinalabas sa mga sinehan.

Very timely ang show dahil puwedeng ipakita rito ang iba-ibang karakter ni Marian.

Dagdag pa ng kausap namin, dahil super siya, puwede siyang maging sirena, mag-ala Mulawin, o mag-ala Darna. Kaya lang, ayon sa aming kausap, kapag hindi ito sinuportahan ng mga guro at estudyante, mababang rating ang makukuha.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …