Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Casino saklaw na ng AMLA sa ilalim ng RA 10927

SA wakas, isang Presidente ang nakakita sa isyung matagal na nating binubulabog sa ating kolum.

‘Yan ‘yung exemption dati ng mga Casino sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act of 2001.

Pero sa bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na Republic Act 10927 (An Act Designating Casinos as Covered Persons) tuluyan nang mabibigo ang mga money launderer na NAGLALABADA ng kuwarta nila sa mga casino.

Nakasaad sa bagong batas na nilagdaan ni tatay Digong, ang isang casino cash transaction na nagkakahalaga ng P5 milyon o katumbas nito sa ano mang currency ay itinuturing na “covered transaction” at dapat iulat sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Hindi pa natin nalilimutan ang insidente sa Solaire Casino na ilan sa Chinese high rollers na kliyente ng negosyanteng si Kim ‘ninong’ Wong ay ginamit ang US$81 milyon pera ng Bangladesh na ninakaw sa Federal Reserve Bank sa New York at inilipat sa account ng anim na Filipino sa RCBC Jupiter branch noong 2016.

Umabot ang imbestigasyon sa Senado. Itinuro ni RCBC bank manager Maya Deguito na sabit sa krimen si Wong, may-ari ng Eastern Hawaii Casino, na nag-o-operate sa ilalim ng lisensiya ng Cagayan Export Zone Authority (CEZA), at kilalang nasa likod ng malalaking gambling operations sa bansa.

Pero sa huli, nangako si Wong na ibabalik niya ang nasabing halaga para huwag siyang makasuhan. (Naibalik nga pero parang kulang pa?)

Ang alam natin, ang nadiin dito ay ‘yung pobreng bank manager ng RCBC na napahiya pa sa kanyang pamilya nang hindi payagang makalabas ng bansa para mag-tour sa Japan.

History na po ‘yan.

Pero ang tanong natin rito, kahit nasasaklaw na ng AMLA ang mga casino, iulat kaya nila kung sino ang mga lokal at dayuhang casino player na naglalaro nang higit P5 milyon sa kanilang establisiyemento?

Lalo na ang mga junket operator na naglalagay ng hindi bababa sa P50 milyones para sa kanilang guests?!

How about local players, irereport ba ng mga casino kung sino-sino ‘yang mga naglalaro nang mahigit sa P5 milyon?!

Aabangan natin ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng bagong batas na RA 10927 na sana’y walang pipiliin at katatakutan.

 

 

“I SHALL RETURN”
SA MGA DEPORTED
NA CHINESE

NAKAYAYANIG naman ang impormasyon na ipinadala sa atin na isa-isang nagbabalikan sa bansa ang mga Tsekwang ipina-deport nitong nakaraang dalawang buwan na ilegal na nagtatrabaho sa Fontana Resort and Casino!

Wattafak!

Kabilis naman ha?!

‘Di ba nasa blacklist status sila matapos i-deport?!

Courtesy raw ito ng isang maimpluwensiyang personalidad na nakasilip ng pagkakataon para i-lift ang Blacklist Order ng mga nasabing tsekwa!

Aba at talagang pinagkaperahan ha?!

Bakit pa ipina-deport kung pababalikin rin pala sa ating bansa?!

‘Di lang ‘yan!

Hindi raw kontento sa paisa-isang lifting ng blacklist ang nag-aasikaso nito kundi ‘bulto-bulto’ (batch by batch) daw kung mag-file ng lifting para sa mga nasabing tsekwa?!

Para palang tumama nang jackpot sa silat machine ‘este slot machine ang may hawak sa nasabing group of deported Chinese illegal workers.

Ano naman kaya ang dahilan at parang napakadali naman aprubahan ang lifting ng blacklist nila at hindi man lang pinatagal nang isang taon?

Ang mga notoryus na fixer ba sa Immigration na sina alias Tita Betty at Anna Sey ang tumirada ng lifting ng blacklist!?

Saan ba ipino-process ang lifting ng Blacklist Order nila?

Sa BI-Office of the Commissioner o sa DOJ?

Sana lang ay tingnan mabuti kung may tamang rason para pabalikin ang mga deported na tsekwa mula sa Fontana casino, hindi ‘yung puro pangkabuhayan showcase lang na ilan lang ang makikinabang.

Bayan muna bago bulsa!

 

 

MARAWI ‘WAG GAMITIN
SA PAMOMOLITIKA
AT PAGSISIPSIP
PAKIUSAP LANG PO…

Sa gitna ng mga nagaganap ngayon sa lalawigan ng Marawi, marami na naman tayong nakikitang press releases na nagsasabing naglikom sila ng maitutulong, in cash and in kind, sa mga bakwit sa lalawigan.

Sa unang tingin, nakatutuwa ang kanilang ginagawa, ‘yan ay kung totoo ito sa kanila.

‘Yung mga nauna, naniniwala tayong nakarating sa mga taga-Marawi, pero itong iba na nakikita nating huli na at parang mga nagsigaya lang, mukhang hindi totoo ang layunin nila na makatulong.

At hindi natin alam kung talagang nakararating nga.

O ginagamit lang nila sa kanilang propaganda o papogi points?!

O gusto pang pagkakitaan!?

Nakikiusap lang po tayo doon sa mga nangangalap ng pondo at tulong na hindi naman awtorisado, huwag na po ninyong gawin.

Adding insult to injury po ‘yan.

Hindi ninyo alam kung ano ang tunay na kalagayan ng mga kababayan natin na naiipit sa nagaganap na labanan sa Marawi.

Lalo na po ‘yung matatanda at mga bata, mga babae, mga may dinaramdam sa kanilang kalusugan at higit sa lahat, ‘yung gutom na halos hindi na nila alam kung ano ang pakiramdam ng busog at kontento.

Kaya please lang po, huwag na po sanang gamitin ang kanilang sitwasyon.

Huwag gamitin sa pagpapapogi.

Kung gusto ninyong tumulong talaga, hindi na kailangan ipangalandakan.

Tumulong kayo nang tama.

‘Yun lang po.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *