Sunday , December 22 2024

‘Weather-weather lang’

NGAYON nadarama ni dating President Noynoy Aquino kung gaano kabigat ang mawala sa poder ng kapangyarihan.

Nagpahayag si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Pa-nelo na ang panahon ng pagtutuos ay dumating na para sa dating pangulo matapos isakdal ng Office of the Ombudsman dahil sa pagkakasangkot sa pumalpak na operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 2015.

Ayon kay Panelo, walang kayamanan ang makapagsasalba kay Aquino sa kasong graft na isinampa laban sa kanya, dahil sa kanyang na-ging papel sa operasyon laban sa mga terorista na nauwi sa pagkakamasaker ng 44 police commandos ng SAF.

Binigyan ng Ombudsman ng limang araw sina Aquino, dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at dating Special Action Force (SAF) Director Getulio Napeñas para sumagot at magsampa ng kani-kanilang apela kaugnay ng naturang kaso.

Maaalalang target ng police operation ng SAF na tinawag na Oplan Exodus ang pinaghahanap na teroristang si Zulkifli bin Hir alyas “Marwan” ngunit pinangasiwaan ito ni Purisima na suspendido sa mga panahong iyon.

Bagaman ipinasasakdal ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Aquino sa mga kasong usurpation of authority at paglabag sa anti-graft ay dinismis naman niya ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide laban dito dahil sa kakulangan umano ng “probable cause.”

Ngunit ang hangad umano ng mga pamilya ng SAF commandos na nasawi sa naturang masa-ker ay maisakdal si Aquino sa kasong homicide kaya magsasampa sila ng motion for reconside-ration.

Nang makapanayam sa radyo ang abogado ng mga pamilya ng pinaslang na operatiba ng SAF na si Ferdinand Topacio ay sinabi nito na dahil sa sobrang kapabayaan ay may namatay. Higit pa sa command responsibility ay may criminal negligence na dapat pagtuunan.

Sa kaso na isinampa ng pamilya ng SAF 44 noong isang taon ay nais nilang managot si Aquino dahil pinayagan niyang isagawa ang Oplan Exodus at nabigong mag-utos ng rescue operation sa mga commando, habang kinakatay sila ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng mga terorista.

”Weather-weather lang” umano ang sitwas-yon at dapat masunod ang batas. Pero may nagsasabi rin na ang batas ay lalong humihigpit kung hindi kaalyado ng bagong lider ang kanyang pinalitan.

Kahit naka-wheelchair at sinasabing may karamdaman si dating President Gloria Macapagal-Arroyo ay hindi pinaligtas ni PNoy, at tulu-yang ipinakulong dahil sa pagkakasangkot sa kasong graft.

Sakaling makalaboso si Aquino ay makabu-buting magdasal na lang siya na ang susunod na administrasyon ay kanyang kaalyado upang hindi siya tuluyang mabulok sa kulungan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

 

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *