Sunday , December 22 2024

Kalunos-lunos

 

KALUNOS-LUNOS ang inabot ng isang anim na buwang gulang na sanggol diyan sa isang ospital sa Pasay City kamakailan. Binawian ito nang buhay dahil sa kawalan ng pasilidad at kapabayaan ng mga nars at manggagamot doon.

Ayon sa kaanak ng namatay, dinala nila ang sanggol sa nasabing ospital matapos itong mag-kombulsiyon sa hindi malamang dahilan, Dahil ma-lapit ito sa kanilang tahanan doon sa nasabing ospital nila dinala. Ngunit imbes asikasohin ay pinainom lamang ng Tempra ang bata sa pag-asang gagaling ito.

Lumala ang kalalagayan ng bata at nagpasya ang magulang na ilipat sa ibang ospital ang kanyang anak ngunit ang masakit ay ipinasa-pasa sila kung kani-kanino hanggang tumagal ang mga oras bago ito nailipat. Sa panahong ito ay hindi pa rin alam ng mga doktor sa nasabing ospital kung ano ang dahilan ng kombulsyon ng bata.

Kakaiba naman ang nangyari sa pinaglipatang ospital sapagkat sa loob ng 24-oras ay nalaman agad ang dahilan ng kombulsyon – viral infection – at agad na inilagay sa Intensive Care Unit ang bata. Sa kasawiang palad ay malala ang naging lagay ng bata at matapos ang apat na araw na pakikibaka nito para mabuhay ay bina-wian ng hininga.

Kung naging matapat lamang sana ang pa-munuan, doktor at nars ng unang ospital na napagdalhan sa bata at hindi na nila pinaikot ikot pa ang magulang nito ay maaaring buhay pa ang bata. Dapat ang mga ganitong pagamutan ay imbestigahan at kung mapapatunayang pabaya ay parusahan ang kinauukulan.

***

Nakaiinsultong mas piniling imbitahan ng pa-mahalaang Aleman sa mahalagang pulong ng mga bansang kabilang sa G20 ang Secretary General ng Association of Southeast Asian Nations mula sa Vietnam at hindi si Pangulong Rodrigo Duterte na siyang pangulo ngayon ng ASEAN.

Tradisyon na kasi ng G20 na imbitahan ang pangulo ng ASEAN sa mga pulong nito. Hindi ito nangyari ngayon dahil na rin sa masamang ugnayan ni Duterte sa mga pinuno ng European Union na kasapi ang Alemanya. Matatandaang napabalita na nginarat (dirty finger) ni Duterte ang mga pinuno ng EU matapos nitong punahin ang human rights record ng kanyang administrasyon.

***

Ngayon na nagdesisyon ang Wold Boxing Organization at sinabi na talagang si Jeff Horn ang nanalo sa laban nito laban kay Manny Pacquiao ay dapat nang tumahimik ang mga sipsip kay Pacquiao. Hindi maitatanggi na nalalaos na si Pacquiao. Hindi dapat makalimutan na lahat nang sumisikat ay lumulubog din.

***

Inumpisahan na ang ambagan sa Bureau of Customs para sa mga kababayan natin na biktima ng karahasan sa Lungsod ng Marawi. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *