Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Token Lizares, tutulong sa pagpapa-opera ni Nora

“ALAM kong maraming nagmamahal kay Ate Guy at tumutulong sa kanya pero kung kailangan akong tumulong, gagawan ko siya ng charity show,” ito ang litany ni Token Lizares, ang tinaguriang Charity Diva ng showbizlandia.

“Dadalhin ko siya sa Negros, maraming nagmamahal sa kanya roon at gusto siyang makita. Ang gagawin lang namin, uupo siya sa stage at kakantahin ko ang kanyang sikat na awitin. Maglalagay din ng screen na mababasa ang mga kanta ni Ate Guy para kantahan ang lahat,” dagdag pa ni Lizares.

Masaya naman ang Superstar sa nasabing tulong mula kay Charity Diva at siniguro niya itong puwedeng mangyari ang concert pagkatapos ng kanyang operasyon.

“Alam kong may tumutulong na kay Ate Guy at balita ko nga, tinutulungan siya ng UNTV at Dating Daan nina Bro Eli Soriano at Kuya Daniel Razon. Maraming nagmamahal sa kanya at isa na ako roon,” tsika nito.

Balik-Manila si Token pagkatapos tumulong sa mga kapwa-Pinoy na nangangailangan sa buong Negros at Iloilo. Kaya nagpasya na siyang bumalik sa Manila para  sundin ang payo ng madre na magbalik-Manila na dahil mas makatutulong sa pagbabalik-pagkanta.

Kaya naman nakagawa na siya ng album under Vehnee Saturno at ready to be released sa susunod na buwan. Balak pa nitong mag-artista at kinuha siya para sa isang indie film na ididirehe ni Ronald Raffer.

May wino-workout na rin siyang paglabas sa dramaserye ng Kapuso.

Sa ngayon, pinaghahandaan nito ang kanyang charity show, Reunited sa Thai Dusit Hotel na ka-back-to-back ang Singing Soldier 2nd Lt. Mel Sorillano.  Kasama rin si Ms Malu Barry at Ms Gem Mascarinas, angLana Turner of the Philippines.  Ang kikitain ng palabas ay mapupunta sa pagtulong sa showbiz entertainment writer na si Richard Pinlac na noong isang pa nasa banig ng karamdaman.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …