Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marlo Mortel, masaya sa bagong TV show sa Knowledge Channel

THANKFUL si Marlo Mortel sa patuloy na pagdating sa kanya ng blessings. Ngayon, bukod sa regular siyang napapanood sa morning show ng ABS CBN na Umagang Kay Ganda, napapanood na rin siya sa Knowledge On The Go sa Knowledge Channel.

Ikinuwento ni Marlo ang bago niyang show, “Pambata po iyong bago kong show, parang Kuya Marlo nila ako roon. Para siyang game show na mayroong categories, may dala akong bag, may dice ako roon, kung anong tumapat na category, sasagot ‘yung mga bata.

“Masaya siya, kasi mahilig talaga ako sa bagets. Tapos three times a day siya ipinalalabas sa Knowledge Channel. Kaya magandang ano rin… araw-araw siya ipinapalabas, Monday to Sunday.”

Anong na-feel mo nang kinuha ka sa show na ‘yun?

“Happy, thankful, thankful talaga. Kasi nga, parang gusto ko na rin ituloy iyong pagho-host ko. So, one way din iyon para maipakita ko ang talent ko, na hindi lang sa UKG. Na kaya ko rin mag-host ng events, ginagawa ko na rin ‘yon and ‘yun nga sa Knowledge Channel, mga pambata naman.”

Ano ang reaksiyon mo na parang unti-unting natutupad iyong dream mo na sundan ang yapak ng idol mong si Luis Manzano bilang TV host?

Sagot niya, “Opo, gusto ko rin talagang sundan ang yapak niya. Happy ako na nalilinya ako sa hosting, pero siyempre nami-miss ko rin ‘yung ginagawa ko dati. Siyempre roon naman ako nakilala talaga nang husto, kahit ‘di naman iyon ‘yung passion ko talaga noong simula.

“Marami lang akong nami-miss talaga like ‘yung acting and talaga namang ever since ay vocal ako na ang gusto ko talaga ay maging singer, e.”

Ginanap last-last Saturday ang fourth anniversary ng Marlo’s World, ang fans club ng Kapamilya actor/TV host na si Marlo. Naging sobrang saya ng event with the Admins na sina Eve Villanueva, Zandy Suriaga, Marjo Ibasco, at Laarni Torres. Pinasalamatan ni Marlo ang kanyang fans sa walang sawang suporta nila.

“Sa fans ko, siyempre nagpapasalamat talaga ko, dahil ang tagal na, eto na, fourth anniversary na namin and nandidito pa rin talaga sila kahit anong mangyari. Through ups and downs, nakasuporta pa rin sila sa akin and sobrang thankful ako. And mahal na mahal ko talaga sila,” saad ng tinaguriang Boyfie ng Bayan.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …