Sunday , December 22 2024

Kongreso sasawsaw sa casino

BALAK ng ilang kong-resista na mailipat sa House of Representatives ang kapangyarihan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na mag-isyu ng lisensiya sa mga casino.

Ito ay ibinunyag ni Majority Leader Rodolfo Fariñas sa isinagawang pagsisiyasat ng House joint committee sa pagwawala na ginawa ni Jessie Javier Carlos sa Resorts World Manila (RWM) noong Hunyo 2.

Si Carlos ay nagpaputok ng assault rifle sa kisame at sinilaban ang mga mesa ng sugalan bago sunugin ang sarili sa loob ng isa sa mga silid dito.

Dati siyang tax specialist ng Department of Finance na sinibak sa trabaho at nabaon sa utang bunga ng pagkakalulong sa sugal.

Kabilang sa 37 biktimang hindi nakahinga sa kapal ng usok at nasawi ang maybahay ni Pampanga 3rd District Representative Aurelio Gonzales Jr.

Ipinaliwanag ni Fariñas na ang sugal ay ipinagbabawal sa bansa. Pero sa pamamagitan ng isang presidential decree ay ibinigay sa Pagcor ang natatanging kapangyarihan na magbigay ng awtorisasyon, lisensiya at pangasiwaan ang pagsusugal. Hindi raw ito dapat pinapayagan at Kongreso lang ang nararapat na makapagbigay ng prangkisa.

Pormal na naibigay ang naturang kapangyarihan sa Pagcor bunga ng Presidential Decree (PD) 1869 na balak kanselahin nina Fariñas.

Pag-aaralan din umano ng mga mambabatas upang maamyendahan ang Republic Act (RA) 9487 na nilagdaan noong 2007 sa panahon ng gobyernong Arroyo, na nagpalawig ng 25 taon sa prangkisa ng Pagcor at nagbigay rito ng awtoridad na magpatakbo at magbigay ng lisensiya sa mga casino.

Aminado si Pagcor Chairperson Andrea Domingo na nabigo ang RWM na tumugon sa kanilang advisory sa mga inisyuhan ng lisensiya na palakasin ang seguridad at sumunod sa mga ordinansa kaugnay ng curfews na ipi-natutupad sa lungsod kung saan sila nakapuwesto.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang mga bulilyaso na nagawa umano ng NC Lanting Security Specialists Agency na humawak ng seguridad ng RWM.

Kung hindi sa kanilang kapabayaan ay hindi makapapasok si Carlos sa gusali at marahil ay ibinuhos na lang ang kanyang galit at pagwawala sa labas o sa ibang lugar.

At dahil sa kapalpakan ng RWM ay nag-init tuloy ang mga mata ng mga kongresista sa lahat ng casino at balak tapyasin ang kapangyarihan ng Pagcor.

Pero sa pananaw ng iba, “ginintuang oportunidad” rin umano itong maituturing para sa mga kongresistang tulad ni Fariñas na mamantikaan ang kanilang mga labi ng langis na nagmumula sa casino.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *