Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Career ni Diether, inaasahang mabubuhay ng GMA

UMIIKOT lang talaga ang mga artista sa mga network. Kung si Richard Gutierrez ay Kapamilya na, si Diether Ocampo naman ay nag-guest sa Kapuso Network. Balitang hindi na rin nag-renew si Diet ng kontrata sa Star Magic at si Arnold Vegafria ng ALV Talents ang humahawak ng kanyang career.

Sa mga nagmamahal at nagmamalasakit kay Diet, umaasa sila na mabubuhay muli ng GMA ang career ng actor. Sana ay matulungan ito ng Kapuso Network dahil mabait naman ito.

Hindi kasi maganda ang feedback sa acting ni Diether sa huling seryeng ginawa niya sa TV5. Para siyang kinalawang.

Napansin din ng movie press na nagbago si Diether dahil parang aloof sa press. Parang umiiwas. Nawala ‘yung dating Diether na ma-PR.

Sana ibalik ni Diether ‘yung dati niyang ugali na magiliw sa mga movie reporters ‘pag nakikita ito sa mga presscon.

So far, maganda ang naririnig namin sa mga staff ng Magpakailanman na mabait at marunong makisama ang actor .

Sana ituloy-tuloy niya ‘yan at mabura ‘yung tsismis na may sarili siyang mundo.
TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …