Friday , November 22 2024

Labor attache sa Middle East binalaan ni Labor Secretary Bello vs kapabayaan sa OFWs

SA pagkakataong ito, may ultimatum na si Labor Secretary Silvestre Bello laban sa mga Labor Attache sa Middle East na walang ginagawa para sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs).

Nito lang nakaraang Marso, pinauwi ni Secretary Bello ang mga labor attaché na sina Ophelia Almenario ng Abu Dhabi; David Des Dicang ng Qatar; Rodolfo Gabasan ng Israel; Nasser Mustafa ng Oman; at Nasser Munder ng Taichung.

Pinauwi sila para sa isang consultation meeting at para ipaalala sa kanila na mayroon silang tungkulin at obligasyon na alalayan ang mga kababayan nating OFWs, lalo na ‘yung mga nasusuong sa hindi magandang sitwasyon.

Sa kasalukuyang sitwasyon sa Middle East, inaalala ni Secretary Bello ang mga Pinoy na maiipit sa kaguluhang nagaganap ngayon.

Hindi natin alam kung ano na ang nangyari sa mga labor attaché dahil mukhang hindi tayo updated kung ano ba ang nangyayari sa Middle East lalo ngayong may banta ang Saudi Arabia laban sa Qatar dahil nagkakandili umano ng terorista gaya ng ISIS.

Sa ganang atin, wasto lamang na paalalahanan sila ni Labor Secretary Bello dahil malaki ang ipinasusuweldo sa kanila ng pamahalaan.

Libre bahay, sasakyan, health, education, gastos sa recreation, leisure and entertainment etc.

Talagang buhay-hari at buhay-reyna sila kapag naririyan sa Middle East.

Pero kapag nagigipit ang mga OFW, hindi sila mahagilap. Aba kung walang silbi sa OFWs ‘yang mga labor attaché, pauwiin nang tuluyan ang mga ‘yan!

Baka hindi nila alam na OFWs ang nagpapasuweldo sa kanila…

‘Di ba, Secretary Bello?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *