Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ejay Falcon, papasok din sa FPJ’s Ang Probinsyano (Hanap ay trabaho outside)

BUKOD sa ABS-CBN Star Magic, nagpa-manage na rin si Ejay Falcon sa PPL Entertainment ni Perry Lansigan. Si Perry ang manager nina Dingdong Dantes, Angelica dela Cruz, Jolina Magdangal, Gabby Eigenmann at marami pang iba.

Si Perry ay associated sa GMA 7. Kaya halos lahat ng kanyang alaga ay may show sa nasabing network.

Ayon kay Ejay, hindi naman nangangahulugan na dahil manager na niya si Perry ay lilipat na rin siya sa Kapuso at iiwan na niya ang Kapamilya.

“Hindi naman ako aalis sa ABS-CBN. Kapamilya pa rin po ako,” sabi ni Ejay sa isang itnerview sa kanya.

Patuloy niya, “Naka-focus ako sa ginagawa ko ngayon. May hindi pa umeereng show, may ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ pa, papasok pa ‘yung karakter ko roon.

EJAY, HANAP
AY TRABAHO
OUTSIDE

Si Benjie Alipio ang discover/manager ni Ejay. Naging maganda naman  ang paghihiwalay nila noong sabihin niyang aalis na siya sa pangangalaga nito para lumipat kay Perry.

“Okay naman po kami ni Tito Benjie. Sinabi ko naman noon pa sa kanya ang plano ko. Alam ko naman pong naiintindihan niya ‘yon.”

Sinabi ni Ejay ang dahilan kung bakit nagdesisyon siya na lumipat sa ibang management.

“May hinahanap lang akong mga trabaho outside — endorsements, indie, mga pelikula.”

Gayunman, taos-puso siyang nagpapasalamat sa pagmamalasakit at pag-aalagang ginawa sa kanya ng dating manager.

“Hinding-hindi ko po malilimutan ‘yon. Habambuhay ko po ‘yung tatanawin na utang na loob sa kanya.”

Ayon pa kay Ejay, gusto pa niyang i-improve ang sarili kaya balak niyang mag-undergo sa personality development course if necessary.

“Lahat naman tayo, ‘di ba, gusto nating nag-i-improve, naggo-grow bilang tao? Siguro may mga kailangang ayusin sa akin at matutulungan nila ako sa part na ‘yon.

“Siguro ito ‘yung mga workshop, mga ganoon, personality development, lahat, iba-iba.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …