Saturday , November 23 2024

‘Photobomber’ wagi

TULOY na ang konstruksiyon ng Torre de Manila na tinaguriang “pambansang photobomber” matapos i-reject ng Korte Suprema ang petisyon na kumukuwestiyon sa pagtatayo ng 49-palapag na gusaling condominium sa Taft Ave., Ermita, Maynila.

Maaalalang naging kontrobersiyal ang pagtatayo ng Torre noong 2014 nang marami ang nag-react at bumatikos dahil nasisira umano ang “sacred skyline” sa likod ng makasaysayang monumento ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal sa Luneta.

Bunga nito ay nagsampa ng petisyon na kumukuwestiyon sa konstruksiyon nito ang Knights of Rizal laban sa DM Consunji Inc. (DMCI), na may-ari at developer ng Torre.

Ang masaklap nga lamang, sa boto na 9-6  ay  ibinasura ng Supreme Court  ang  natu-rang petisyon ng Knights kamakailan. Inalis na rin ng SC ang temporary restraining order (TRO) na inisyu nito laban sa DMCI noong 2015 na nagpatigil sa konstruksiyon ng gusali.

Wala raw batas na nagbabawal sa pagpapatayo ng Torre.

Ayon sa DMCI ay sasabihan nila agad-agad ang kanilang stakeholders, at lalo na ang mga kostumer na maninirahan sa condominium sa hinaharap na itutuloy na nila ang naudlot na kontruksiyon ng gusali.

Sumagot ang Knights of Rizal na iginagalang nila ang naging desisyon ng SC.

Pero sa totoo lang, marami ang nagtatanong kung bakit bigla umanong nanahimik ang Knights at bumitiw sa laban nang ganu’n-ganu’n?

Para sa kaalaman ng lahat, ang Knights of Rizal ay suportado ng Office of the Solicitor General nang hangarin nilang ipa-demolish ang itinatayong Torre.

Ang kanilang mga dahilan para ipa-demo-lish ang gusali ay nilabag umano ng DMCI ang ilang batas sa pagpapatayo ng Torre.

Kabilang na rito ang Republic Act No. 4846 o Cultural Properties Preservation and Protection Act; RA No. 7356 na lumikha ng National Commission on Culture and Arts; at pati na ang RA No. 10066 na kilala bilang National Cultural Heritage Act of 2009.

Sa kabila ng mga tinukoy nilang mga nilabag umanong batas, bakit bigla na lang daw nanahimik ang Knights of Rizal sa isyu at hindi man lang naghangad na ipaglaban pa ito?

Ano ang nangyari?

Nakapanghihinayang  dahil  marami  pa  namang mga mamamayan ang naniniwala sa kanilang ipinaglalaban noon.

Tulad ng Knights, sa palagay nila ay nakasisira talaga sa background at panorama ng mo-numento ni Rizal na may gusali na ubod nang taas na nag-iisang nakatirik sa likuran nito.

Iyon pala ay bigla na lang mananahimik ang Knights, mga mare at pare ko,  at  hindi  man  lang  iimik upang  ipaglaban  ang  karapatan ng Pambansang  Bayani  na  kanilang  kinakatawan kapag nakatagpo ng balakid.

Sayang!

BULL’s EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *