LUMABAS na ang official statement ng manager ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na si Jonas Gaffud sa mga reklamo at hinaing ng negosyante at Brunei-based na si Kathelyn Dupaya. Si Kathelyn ay nai-feature na sa Magpakailanman ng GMA 7 dahil sa rags-to-riches story niya.
“I thank Kathy for clarifying the issues she raised against Pia, and for apologizing for what she has done. Clearly, what happened was misunderstanding as she never heard Pia talk bad about anything. Pia is thankful for the hospitality that Kathy provided during her private vacation in Brunei.
“As her manager, I was prepared to answer Kathy’s claims, but she reached out to clarify her issues.Communication is really important to settle conflicts and prevent misunderstanding.
“ We learn from mistakes, however, and I hope what happened will serve as a lesson for artists, talents, managers and producers to formalize arrangements in order to avoid confusion and any problem.
“Meanwhile, Pia is focused on her career, and watch out for her next endorsement, even as she continues to promote her advocacies on anti-bullying, and HIV/AIDS awareness and helping an organization send kids to school. In the next days, she will start to play a big role in these efforts. Good day! Good vibes.”
May paliwanag din si Kathelyn nang mak-chat namin sa Facebook.
“Nag- usap kami ni Sir Jonas, the manager of Pia kagabi. Gusto niyang malaman kung sino ang nagsabi sa akin na fake ang bag at babala sa group message…… ang sagot ko Sir sa akin na lang ‘yun at ako lang ang nakaaalam ….. Tapos, tanong niya… totoo ba nasabi ni Pia ‘yan at narinig mo? Ang sagot ko.. ‘Hindi, sinabi lang sa akin at siguro ‘yung tao na ito ay hindi magsisinungaling.”
“Gayunman …may point si Sir Jonas na hindi ko narinig mismo pero naniniwala ako kaya sabi ko… ‘Ok… kung ‘di niya nasabi or hindi ok mag-sorry ako rito …. Pinipilit ni Sir Jonas na siniraan ko si PIA, sabi ko wala ako sinira sa kanya. Lahat ng pangyayari sa Brunei ay totoo, hindi ko po ‘yun babawiin kasi sa akin niya mismo ginawa ‘yun. Ang sabi niya, sino kausap mo at ka -text, sagot ko nakilala ko Pia thru my friend at lawyer. ‘Yung lawyer niya ang kausap ko hangang makarating siya ng Brunei.
“Totoo, nag- sorry ako sa mga below belt na nasabi ko dahil sa sobrang galit ko pero ‘yung pangyayari sa Brunei ay totoo, bakit ako magso-sorry? Ganito ang pagkasabi ko..kung ano man ang masasakit na nasabi ko pasensiya at sorry kasi sinagot ko lang ang mga basher. Sobra kasi maka- bash…parang alam nila ang pangyayari…. I repeat, nag-sorry ako kay Sir Jonas dahil sa mga mura ko at nasabi kong masasakit pero ‘yung pangyayari sa Brunei ay totoo. Hindi gawa-gawa. Kahit si Sir Jonas ay nagsasabi na ang pangyayari ay ‘misunderstanding’. Hindi ako dumaan sa management which is I dont know. Sinagot ko pa si Sir Jonas na sana…kung may ganito palang contract, sana si PIA mismo ang umatras kasi marami siyang bawal. Nalaman ko ang mga restriction at mga IMG rules 3PM ng Feb 10 before the flight dahil sa pagkakamali ng staff ko sa pagpost ng ‘Meet and Greet’. Panay ang sorry ko sa mother ni Marlon (bf ni Pia) at kay Atty. Sabi ko di ko alam na may post staff ko.
“Ok na kami ni Sir Jonas and we both agreed sa mga nangyari. We both sorry for the happenings na may misunderstanding ang lahat. Maliwanag ang pag-uusap namin. Uulitin ko, nag -sorry ako sa mga MURA ko pero ‘yung pangyayari sa Brunei, totoo po ‘yun. Walang halong kasinungalingan or gawa- gawa,” deklara pa niya.
TALBOG – Roldan Castro