Saturday , December 21 2024

P86.5-M pekeng Nike, Converse shoes kompiskado

NAKOMPISKA ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD), ang P86.5 milyon halaga ng pekeng Nike at Converse rubber shoes sa isinagawang raid sa Pasay City.

Sinalakay sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Rainelda H. Estacio-Montesa ng Manila RTC Branch 46, ang mga unit na inookupa nina Ana Chua, Wang Yu Bo, at ilan pang negosyante sa 111 J. Fernando Street, Pasay City, at One Shopping Center sa Kapitan Ambo Street, Pasay City.

Nag-ugat ang pagsalakay ng NBI dahil sa reklamo ni Jaime S. Dela Cruz  ng I-Data ng Nike and Converse noong 22 Marso, nagresulta sa pagkakakompiska sa pekeng mga sapatos.

Pansamantalang ini-lipat ng NBI sa isang bodega sa Valenzuela  City ang nakompiskang mga rubber shoes.

Habang inihahanda ng NBI ang isasampang paglabag sa R.A. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, sa mga may-ari nang sinalakay na establisimiyento.

(LEONARD BASILIO)

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *